Pinoy Weekly Staff

Sa Pinoy, di kay PNoy

Patatawarin na sana natin ang pag-hijack niya sa pangalang “Pinoy” – kung naging tapat lang siya sa pagtupad sa interes ng mga mamamayang gusto niyang kapangalan. Pero hindi.

Pamamaril sa mga residenteng tutol sa demolisyon sa Pangarap Village kinondena

Kinondena ng Alyansa Kontra Demolisyon, pambansang alyansa kontra demolisyon ng mga bahay ng mga maralitang lungsod, ang walang habas na pamamaril sa mga residenteng nagbarikada kontra sa demolisyon sa Pangarap Village sa Caloocan. Dalawang katao at namatay, sina Soliman Gomez at Rommel Fortadez, at marami pa ang sugatan. Kinondena ng alyansa ang paggamit ng dahas […]

Demolisyon, nagdudulot ng paghihiwalay ng pamilya –Gabriela

Nagprotesta sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) ngayong araw ang maralitang kababaihan na dinemolis sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan o ‘di kaya’y nahaharap sa banta ng demolisyon. Kasama ang grupong Gabriela, kinondena nila ang anila’y “giyera sa mahihirap” ng gobyernong Aquino. Suot ang mga boxing gloves, “inupakan” ng kababaihang residente ng Diosdado Macapagal at […]

PNoy ‘bagsak’ sa unang taon sa Palasyo

Sa larangan ng ekonomiya, paggalang sa karapatang pantao, pag-empleyo at makabuluhang dagdag-sahod, industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo -- at iba pang usapin -- bagsak na bagsak si Pang. Benigno Aquino III sa mata ng militanteng mga organisasyon.

Limang taon nang nawawala: Takbo para kina Karen, Sherlyn at iba pang tinortyur

Sa araw na ipinagdiwang ng United Nations ang International Day in Support of Victims of Torture noong Hunyo 26, ginugunita rin ang pagdukot kina Sherlyn Cadapan, Karen Empeno, Manuel Merino, Prudencio Calubid, Celina Palma, Gloria Soco at Ariel Beloy. Sa kaso nina Cadapan, Empeno at Merino, malinaw sa mga testimonya na tinortyur sila. Ayon sa mga grupong pangkarapatang pantao, malinaw na polisiya pa rin ng militar ang magtortyur.

Petisyon sa dagdag-sahod isinampa ng mga migrante sa HK

Nagtungo sa Labour Department ng Hong Kong ang pinakamalaking alyansa ng mga migrante para ihain ang petisyon para sa dagdag-sahod ng tinatayang 285,000 foreign domestic workers (FDWs) sa nasabing bansa, kabilang ang mga Pilipino. Noong Hunyo 1, inilunsad ng Asian Migrants’ Coordinating Body (AMCB) ang kampanyang “Ok to 4k” para igiit sa gobyerno ng Hong […]

Mainit pa rin ang laban sa demolisyon sa San Juan

Apat na buwan matapos ang marahas na demolisyon, matagumpay pa rin ang mga taga-Brgy. Corazon de Jesus sa depensa ng kanilang mga tahanan. Sa sorpresang bisita ni Erap na nauwi sa panghaharas, at pagtanggi namang tumulong ni Pangulong Aquino, lalong nasindihan ang kanilang galit.