Pinoy Weekly Staff

Pangulong Aquino, pinaniniwalaang nagtutulak ng Charter Change

Duda ang iba’t ibang grupo at mambabatas na walang kinalaman si Pang. Benigno Aquino III sa panibagong tulak sa Kongreso para amyendahan ang mga ekonomikong probisyon ng 1987 Konstitusyon, na anila’y isang akto ng “pagbebenta” (sellout) ng pambansang soberanya. “Ito (ang Cha-Cha) ba ang kapalit ng mga pangakong pamumuhunan mula sa Estados Unidos at Japan?” […]

OFWs sa Hong Kong, tutol din sa budget cut sa edukasyon

Tutol din sa budget cut sa edukasyon ang mga migranteng Pilipino sa Hong Kong na nagpapaaral sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Ngayong araw, nagtungo sa Philippine Consulate General ang militanteng OFWs (Overseas Filipino Workers) para kondenahin ang umano’y kapabayaan ng gobyernong Aquino sa mga mamamayan dahil sa malalaking kaltas sa badyet para sa serbisyong sosyal, […]

Protesta ng mga manggagawa ng PAL, sinuportahan ng KMU

Naghayag ng suporta ang militanteng sentro ng unyonismo na Kilusang Mayo Uno (KMU) sa protestang work stoppage na isinagawa ng mga manggagawa ng Philippine Airlines para iprotesta ang malawakang kontkraktuwalisasyon sa kanilang hanay.

Bagyong Pedring nanalasa sa Luzon

Di bababa sa dalawang tao ang nasawi sa Kamaynilaan pa lamang, libu-libong mamamayan ang apektado sa Bicol at Gitnang Luzon, at binaha ang maraming kalsada at komunidad sa Kamaynilaan, sa pagdating ng bagyong Pedring sa Luzon ngayong araw, Setyembre 27.

10,000 nagmartsa kontra budget cut sa edukasyon

Nagdeklara ng welga ang mga mag-aaral ng state universities and colleges o SUCs sa bansa. Mahigit 10,000 ang tumugon sa welga. Ang panawagan nila: Huwag talikuran ng administrasyong Aquino ang pagpondo ng gobyerno sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

CBCP, ‘walang magagawa’ sa kaso ng paring nanggahasa

Matapos paghintayin ng halos isang oras sa labas ng tanggapan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), hinarap si “Leah”, 17-anyos na biktima ng panggagahasa ng pari sa Butuan City, ng isang opisyal ng CBCP para sabihing “walang magagawa” ang Simbahang Katoliko hinggil sa kaso. Ito ang isiniwalat ng grupong Gabriela, na sinamahan si Leah […]

Rasismo laban sa mga Pinoy sa Libya, pinangangambahan

Nangangamba ang Migrante International sa kaligtasan ng mga Pilipinong nananatili sa Libya, sa gitna ng mga ulat na tinatarget ng mga rebeldeng kontra-Gaddafi ang mga migrante at mga mamamayan mula sa ibang nasyunalidad. “Dapat pabilisin ng gobyerno ang repatriation ng tinatayang 14,000 Pilipino pa sa Libya, at maglabas ng regular na ulat hinggil sa kanilang […]