Pinoy Weekly Staff

Natatanging Progresibo ng 2011

Maraming pangyayari nitong 2011 ang nagkaroon ng positibong ambag para sa progresibong pagbabago sa bansa. Ito ang ilan sa mga natatangi -- ayon sa natukoy ng istap ng Pinoy Weekly.

Panawagan para sa tulong sa mga mamamayan ng Hilagang Mindanao

Libu-libo ang kagyat na nangangailangan ng tulong matapos ang malupit na bagyong Sendong na rumagasa sa Hilagang Mindanao nang walang senyales at preparasyon sa bahagi ng gobyerno. Tumatangis ang pamilya ng di-bababa sa mahigit 600 kataong nasawi, at naghahanap naman sa mga mahal nila sa buhay ang kaanak ng mahigit 900 kataong nawawala. Panahon na para tumulong tayo.

Magniniyog: bawiin ang coco levy fund

Inspirado ng legal na tagumpay ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita, nagdaos ng Koprahang Bayan sa SMC ang mga magniniyog mula sa Lalawigan ng Quezon para bawiin ang P200-Bilyong coconut levy fund mula sa kontrol ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., tiyuhin ni Pangulong Aquino. Ayon kay Isidro Frisco, tagapangulo ng Pinag-isang Lakas ng Magbubukid sa […]

Laban ni Bonifacio para sa ‘tunay na pagbabago,’ ipinagpapatuloy ng mga obrero

Kabayanihan ni Andres Bonifacio ang hangad ng militanteng mga manggagawa na tularan nila at ng sambayanang Pilipino, sa ika-148 kaarawan ng dakilang rebolusyonaryong lider ng rebolusyong 1896. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis Party-list ang martsa-protesta sa Mendiola, Manila ng aabot sa 3,000 na mga manggagawa at iba pang sektor para gunitain ang […]

‘Pagkulong kay Arroyo dapat matagal nang ginawa’

Ikinatuwa ng militanteng mga organisasyon ang pag-aresto kay Gloria Macapagal Arroyo. Pero, hiling nila sa publiko: dapat maging mapagmatyag. Dapat ding siguruhing masasampahan din siya ng iba pang mabibigat na kaso, mula sa mga paglabag ng kanyang rehimen sa karapatang pantao, hanggang sa pandarambong.