Mga Larawan: Tuloy ang paghahanap sa mga nawawala
Bago na ang nanunungkulan sa Malakanyang, pero patuloy pa rin ang paghahanap nila. Mga anak, magulang, kapatid, kamag-anak: muli silang nagmartsa -- tulad ng pagmartsa nila noong nakaraang mga taon -- noong Agosto 30, International Day of the Desaparecido, para hilingin sa gobyerno na ilitaw na ang kanilang mga mahal sa buhay. Buhay man o patay. At singilin ang mga salarin.