Aktibista sa Aklan, unang pinaslang sa administrasyong Aquino
Walang pang isang linggo ng pagkakaupo sa puwesto ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III, tila nagsimula nang muli ang ekstra-hudisyal na pamamaslang ng mga aktibista na tumampok noong administrasyong Arroyo. Binaril sa harap ng kanyang inuupahang bahay sa Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan si Fernando Baldomero, coordinator ng Bayan Muna sa Aklan at miyembro ng Sangguniang […]