Balita

3 lider-magsasaka sa Laguna, dinampot ng militar

Tatlong lider magsasaka ang dinampot ng mga sundalo ng Philippine Army sa probinsya ng Laguna kaninang umaga, ayon sa ulat ng militanteng grupong magsasaka na Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK). Batay sa mga ulat na nakalap ng KASAMA-TK, dinampot sina Darwin Liwag, pangkalahatang kalihim ng pamprobinsyang grupong magsasaka na Pagkakaisa at Ugnayan […]

Manggagawa sa pinakamalaking plantasyon ng palm oil, nagwelga

Iniulat ng National Federation of Labor Unions (Naflu) na nagwelga ang mga manggagawa ng Filipinas Palm Oil Plantation, Inc., (FPPI) ang pinakamalaking plantasyon ng palm oil sa bansa, dahil sa pambabarat umano ng manedsment sa dagdag-sahod na hinihingi ng mga manggagawa. “Minamarkahan ang unang 100 araw ni Noynoy Aquino ng pagputok ng mga labor dispute. […]

Mga Larawan: Magsasaka, sumugod sa opisina ng NICA, hiniling hustisya sa mga paglabag sa karapatang pantao

Pinagbabato ng mga magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ng pulang pintura ang gate ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA (ahensiya ng paniniktik sa ilalim ng Department of National Defense) bilang simbolo ng pagdanak ng dugo ng mga aktibista at sibilyan na pinaslang noong panahon ng rehiimeng Arroyo at kasalukuyan at di pa nabibigyan ng hustisya. (Macky Macaspac)

Libu-libong Europeo, nagprotesta sa pagtitipid ng gobyerno

Umabot sa 100,000 mamamayan mula sa iba’t ibang unyon sa buong Europa ang nagprotesta noong Setyembre 29 sa Brussels, Belgium laban sa matinding pagtitipid na ginagawa ng kanilang mga gobyerno sa nakaraang mga buwan. Nagprotesta sila para sabihin sa European Union (EU) na hindi nila babayaran ang bailout ng nabangkaroteng mga bangko. Nangangahulugan ang bailout […]

Bantang AJ sa welga sa PAL, binanatan

Sa pagbanta ni Sek. Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DoLE) na patawan ng Assumption of Jurisdiction (AJ) ang nakaambang welga sa Philippine Airlines (PAL), ipinapakita ng gobyernong Aquino na pumapanig ito kay Lucio Tan sa halip na sa interes ng bayan. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na sumusuporta sa […]

Hustisya panawagan para sa mga biktima ng pagsabog sa La Salle

Kinondena ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang pagsabog noong Setyembre 26 sa harapan ng De La Salle University Manila, sa pagtatapos ng Bar examinations, at nakisimpatiya sa mga kaanak, kapamilya at kasamahan ng mga nasaktan sa paghahanap ng hustisya para sa mga biktima.

Pagpapatuloy ng impeachment laban sa Ombudsman ikinatuwa ng Bayan

Binati ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang House Justice Committee sa desisyon nitong ipagpatuloy ang proseso ng impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Ayon sa grupo, nararapat lamang igiit ng Kamara ang kapangyarihan nito lalo na’t halata namang walang ginagawa ang Ombudsman kundi iantala o pahinain ang proseso ng impeachment. Ang desisyon ng komite ay […]