Balita

Larawan: Konsiyumer, nagpetisyon vs pagtaas ng singil sa kuryente sa Mindanao

Pinangunahan ng mga miyembro ng Consumer Alert ang isang signature drive sa Agdao Public Market sa Davao City para mangampanya laban sa pagtaas ng singil sa kuryente na ipinapatupad ng Davao Light Power Company na pag-aari ng mga Aboitiz. Nangangamba ang grupo na lalala ang aba nang kondisyon ng mga mahihiap sa Mindanao bunsod ng dagdag-singil sa kuryente.

Larawan: Samahan ng dating mga detinidong pulitikal nagkumperensiya, magpoprotesta

Idinaos ng Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Amnestiya o SELDA ang isang pambansang kumperensiya. Dito tinalakay ang usaping matagal naisyung bayad-pinsala sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng diktadurang Marcos. Tinalakay din ang kasalukuyang kalagayn ng halos mahigit 300 bilanggong pulitikal na nasa iba't ibang piitan sa buong bansa. Dumalo sa pagtitipon ang mga dating bilanggong pulitikal na sina dating Rep. Satur Ocampo, Maita Gomez, at dating Rep. Romeo Candazo. Itinakda rin nila ang Setyembre 17 bilang pambansang araw ng pagkilos para sa mga bilanggong pulitikal sa bansa.

Maralita sa Davao, tutol sa demolisyon

Davao City – Nagpiket ang mga residente ng Monfort, Fatima sa Bacaca, kasama ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa harap ng City Housing Office para ihayag ang pagtutol sa napipintong demolisyon sa kanilang mga bahay at hilingin ang interbensiyon ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Mga Larawan: Mediation team ng SC sa Luisita, kinondena ng mga magsasaka

Nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita para iprotesta sa Korte Suprema ang pagbubuo diumano ng isang mediation panel para masolusyonan ang sigalot sa asyendang inaangkin ng pamilya Cojuangco. Ayon sa mga magsasaka, hindi na kailangan ng mediation panel dahil matagal nang nahusgahang di makatwiran ang iskemang stock distribution option (SDO) na ipinatupad sa asyenda at dapat nang ipamahagi ang lupain dito sa mga magsasaka.

Grupo ng magsasaka, duda kay Etta Rosales sa CHR

Pinangangambahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Tanggol Magsasaka ((Peasant Network for Land, Justice and Human Rights) na madadagdagan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa buong bansa matapos pormal na umupo ni dating Akbayan Rep. Etta Rosales bilang Chairman ng Commission on Human Rights (CHR).