Balita
Masaker sa Maguindanao, ‘pinakamalaking insidente’ ng pagpatay sa mamamahayag
Tinawag ng grupo ng mamamahayag na National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang masaker sa Maguindanao ang “pinakamalaking iisang insidente ng pagpatay sa mga mamamahayag” sa kasaysayan ng bansa. Inihayag na rin ng Reporters Without Borders, internasyunal na grupo ng mga mamamahayag, na pinakamalala ang masaker sa kasaysayan ng karahasan laban sa mga […]
Masaker sa Maguindanao, atake sa demokrasya
Hindi lamang atake sa kalayaan sa pamamahayag, kundi atake mismo sa demokrasya ng bansa ang pamamaslang sa di bababa sa 36 katao, kabilang ang mga mamamahayag at abogado, sa Maguindanao. Ito ang reaksiyon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pamamaslang na ayon sa Armed Foces of the Philippines ay isinagawa ng […]
Diskriminasyon ng Comelec sa LGBT, binatikos
Kinondena ni Gabriela Rep. Liza Maza ang aniya’y diskriminasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga bakla, lesbiyana at iba pang miyembro ng komunidad ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transgenders.) na itinuturing na mardyinalisadong sektor sa bansa. Sinabi ito ng kongresista matapos maglabas ang Comelec ng desisyon ng pagtanggi sa rehistrasyon ng Ang Ladlad […]
Lider-estudyante ‘hinaras’ ng ahenteng panseguridad ni Clinton
Hinaras ng diumano’y mga ahenteng panseguridad ni US Secretary of State Hillary Clinton ang isang lider-estudyante at pinigilang dumalo sa porum sa University of Sto. Tomas (UST) kahapon, Nobyembre 13, kung saan panauhin ang mataas na opisyal ng Estados Unidos. Sa pahayag na ipinadala sa midya ni Dianne Marie Solmayor, tagapagsalita ng League of Filipino Students-National Capital Region (LFS-NCR), […]
Video: Bisita ni Clinton sa Pilipinas, sinalubong ng protesta
Magkakasunod na kilos-protesta ang sinalubong ng militanteng mga grupo sa pagbisita sa bansa ni US State Secretary Hillary Clinton. Hinarang ng pulisya sa Kalaw Ave. ang mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan na papunta sa embahada ng US sa Maynila noong umaga ng Nobyembre 12. Panoorin ang video ng unang protesta laban sa dalawang-araw na […]
Clinton, pinagpapaliwanag sa VFA, karagdagang ayudang militar
Sa nakatakdang pagbisita ni US Secretary of State Hillary Clinton sa bansa, kukuwestiyunin ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang Visting Forces Agreement (VFA) at karagdagang ayudang militar ng US. “Si Clinton ang pangatlong mataas na opisyal ng US na bisita ng Pilipinas ngayong taon, sumunod kina CIA (Central Intelligence Agency) Director Leon Panetta at Defense Secretary […]
Kumander ng Army, bihag ng NPA sa Mindanao
Inanunsiyo ng rebeldeng New People’s Army na bihag nila ngayon ang isang opisyal ng militar sa Southern Mindanao. Ayon kay “Ka Nadem”, tagapagsalita ng 4th Pulang Bagani Company, Merardo Arce Command ng NPA sa Southern Mindanao, hawak nila ngayon bilang prisoner of war (POW) si Cpl. Dominador Alegre, detachment commander ng 72nd Infantry Battalion ng […]