Balita
[UPDATE] Pagbabalik ng ROTC haharangin ng kabataan
Tinututulan ng iba’t ibang grupo ng kabataan, maging ng kabataang kinatawan sa Kamara, ang panukala sa Kamara na ibalik ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga estudyante sa kolehiyo. “Tinuturuan ng ROTC na magbulag-bulagan at walang-imik ang mga estudyante. Ginagamit pa ng AFP ang programa sa red-baiting laban sa progresibong mga grupong pang-estudyante, sa […]
Pagpapalaya sa kapapanganak na inang isa sa Morong 43, iginiit ng Gabriela
Nagpiket ang Gabriela, militanteng alyansang pangkababaihan, sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) kamakailan upang igiit ang kagyat na pagpapalaya sa batayang humanitarian kay Judilyn Oliveros, isa sa 43 health workers na ilegal umanong inaresto sa Morong, Rizal noong Pebrero. Kasalukuyang nasa PGH si Oliveros matapos itong manganak noong Hulyo 22 sa pamamagitan ng ceasarian […]
Bahay ng 384 pamilya, dinemolis sa San Pedro, Laguna
Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Southern Tagalog ang pagdemolis ng kapulisan sa tatlong barangay at tahanan ng 384 pamilyang maralita sa San Pedro, Laguna. Ayon kay Andrianne Mark Ng, tagapagsalita ng Bayan-ST, hindi dapat ipinapatupad ang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita, laluna’t layunin nito ang pagbibigay-daan sa Southrail Project ng Philippine […]
Pagtutol sa taas-pasahe sa MRT, LRT, lumalakas
Patuloy na lumalakas ang pagtutol ng iba’t ibang sektor sa pagtaas ng pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Kaninang umaga, nagpiket sa estasyon ng MRT sa North Avenue ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at nagpapirma sa mga biyahero ng isang petisyon laban sa posibleng taas-pasahe. Ayon kay […]
‘Paglabag sa karapatang pantao, bakit hindi iimbestigahan ng Truth Commission?’
Ipinagtaka ng Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao, ang hindi pagsama sa mga paglabag sa karapatang pantao sa mga isyu laban sa nagdaang pangulo na iimbestigahan ng Truth Commission. Ayon kay Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan, hindi lang dapat mga kaso ng korupsiyon ang tugunan ng Truth Commission, kung gusto nitong imbestigahan ang mga kasong “may laki […]
Dahil sa imported na bigas: Tag-hirap sa anihan, inaasahan
May 3.5 hanggang apat na milyong magasasaka ang maaapektuhan dahil sa sobrang bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA), ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano. Sa isang pahayag, sinabi ni Mariano na nakakabahala ang inaasahang pagpasok sa bansa ng imported na bigas sa Agosto 15. Kamakailan, ibinulgar ng Kal. Lito Banayo ng NFA na […]
Ika-25 anibersaryo ng KMP, ginunita
Sa gitna ng malakas na ulan at paghahanda para sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ginunita noong Hulyo 24 ang ika-25 anibersaryo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang pinakamalawak na pambansang organisasyon ng mga magsasaka. Pansamantalang itinigil ng mga magsasaka ang kanilang hunger strike sa kampuhan […]