Balita

Cha-cha, kasado na sa Kamara

Kasabay ng malawakang transport strike ng mga tsuper laban sa jeepney phaseout noong Marso 6, naipasa sa Kamara ang resolusyon sa pagbuo ng constitutional convention bilang pamamaraan sa planong pag-amyenda ng Konstitusyon.

Pambobomba sa Cagayan, kinondena

Kinondena ng samahan ng mga magsasaka na Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Danggayan) ang ginawang pambobomba ng 17th Infantry Battalion, 501st Infantry Brigade at Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force sa Brgy. Hacienda Intal, sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Pebrero 2.

Manggagawa ng URC, nagprotesta sa Cebu

Nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region VII ang mga manggagawa ng planta ng Universal Robina Corporation (URC) sa Mandaue City noong Pebrero 17 upang igiit ang regular na empleyo. Naghain sila ng motion for reconsideration hinggil sa iligal na tanggalan na ginawa ng kumpanya noong April 2022. Sa […]

Propesor, unyonista dinakip sa UP Diliman

Inaresto si Prop. Melania Flores ng mga hindi unipormadong tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kanyang tahanan sa loob ng kampus ng University of the Philippines (UP) Diliman noong Pebrero 6. 

Doktor, binansagang terorista ng gobyerno

Sa inilabas na Resolution 35 ng Anti-Terrorism Council (ATC) noong Disyembre 7, 2022, binansagang terorista si Dr. Natividad Castro, isang beteranong community doctor sa mga komunidad ng Lumad sa Mindanao.

Ressa, pinawalang sala sa tax evasion

Pinawalang-sala ng Court of Tax Appeals (CTA) si Nobel laureate at Rappler chief executive officer (CEO) Maria Ressa sa kasong tax evasion noong Enero 18.