Panawagan ni Legarda, sinuportahan ng mga obispo
Para sa mga lider-simbahan, ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan ay tungkulin ng bawat mabuting Kristiyano.
Para sa mga lider-simbahan, ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan ay tungkulin ng bawat mabuting Kristiyano.
Inihain ng mga kinatawan ng Makabayan Bloc, kasama ang ilang lider-manggagawa, ang National Minimum Wage Bill (House Bill 4898) sa Kamara nitong Setyembre 16.
Noong Setyembre 4, nagpadala ng sulat Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magulang ni Mary Jane sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers. Kinabukasan, nagprotesta ang Migrante Philippines sa harap ng Department of Foreign Affairs, kasabay ng unang araw ng pagbisita ni Marcos sa Indonesia.
Nakalaya na noong Agosto 10, si Vertudez “Daisy” Macapanpan, kilalang environmental defender na iligal na inaresto noong Hunyo 11, 2022 sa Laguna. Kabilang si Macapanpan sa mga nanguna sa paglaban sa pagtatayo ng Ahunan Hydropower Plant sa kabundukan ng Pakil, Laguna.
Ginawaran ng 2022 Roger N. Baldwin Medal of Liberty si Atty. Angelo Guillen, pangkalahatang kalihim ng National Union of Peoples Lawyers - Panay. Siya ang unang Pilipinong nakatanggap ng pagkilala mula sa Human Rights First, isang non-governmental organization sa Estados Unidos.
Pinasusupinde ng Land Transportation Office (LTO) ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga lokal na pamahalaan ayon sa inilabas nitong memorandum noong Agosto 12. Pinapayagan na ring magparehistro ang mga pribado at pampublikong sasakyan na napatawan ng multa dahil sa violations NCAP.
Para kay Arao, nagkaroon ng kawalan ng impormasyon ang mga mamamayan nang pahintuin ang operasyon ng websites ng Bulatlat at Pinoy Weekly. Bagamat may ibang plataporma para sa pagbabalita, may bahagi pa rin sa sektor ng mamamayan ang lubhang naapektuhan at nawalan ng pangunahing pinagkukunan ng impormasyon.
Ipinapanukala ng isang mambabatas na tanggalin na ang takdang edad sa pagreretiro. Makatarungan bang pagtrabahuhin ang mga senior citizen matapos ang ilang taon na nilang serbisyo?
Hinahamon ng Kabataan si Marcos na gawing makatotohanan, de-likalidad at abot-kaya ang pagtugon sa mga isyu ng sektor ng edukasyon.
Nanawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Overseas Filipino Workers sa Taiwan na bigyang pansin ang kanilang kaligtasan sa gitna ng tumitinding girian sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina.