Korupsiyon sa DepEd, nalantad
Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng Department of Education (DepEd) sa nakalaang P2.4 bilyong pondo sa pagbili ng mga mahal ngunit luma at mababang-kalidad na laptop noong 2021.
Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng Department of Education (DepEd) sa nakalaang P2.4 bilyong pondo sa pagbili ng mga mahal ngunit luma at mababang-kalidad na laptop noong 2021.
Ibinida ni Marcos ang DMW bilang kanlungan daw ng mga migranteng manggagawang Pilipino habang nasa ibayong dagat sila. Pero pamamaraan lang ito para lalong gawing negosyo ng gobyerno ang sapilitang migrasyon
Bilang paggunita sa ika-limampung taon ng deklarasyon ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., inilunsad ng mga biktima ng diktadura ang ML50 (Martial Law 50), isang kilusan para sa pampublikong impormasyon, edukasyon at pangkultura na magsisilbi ding ugnayan ng mga grupo at indibidwal laban sa disimpormasyon at pambabaluktot ng kasaysayan.
Bakas sa mga gumuhong gusali at nananatiling pangamba ng mga mamamayan ang tindi ng pinsalang dulot ng lindol na tumama sa Abra at mga kalapit-bayan nito sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Cagayan Valley nitong Hulyo 27, alas-otso y medya ng umaga. Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa […]
Sa huling survey ng Pulse Asia nitong Hunyo, lumabas na ang kagyat na pagtugon sa nagtataasang presyo ng bilihin ang pinakamahalagang usapin para sa mga Pilipino ngayon. Mahalagang usapin rin kaya ito para sa bagong administrasyon?
Muling nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) sa Department of Education (DepEd) na mag-hire ng mas maraming mga guro at bawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa isang klase upang matiyak ang kaligtasan mula sa Covid-19 sa pagbubukas ng klase. “As of February 2021, there were more than 26,000 unfilled teaching items in the […]
"Nagugutom na kami, wala na kaming trabaho. Tapos inano kami ng pulis, ayaw namin sumama, pero binitbit kami,” maluha-luhang sabi ni Erlinda Aboy, isa sa mga magsasakang inaresto sa Hacienda Tinang sa Tarlac noong Hunyo 9.
Inirekomenda ni International Criminal Court Chief Prosecutor Karim Khan na muling buksan ang imbestigasyon sa madugong kampanyang kontra-droga ng administrasyong Duterte na kumitil sa libu-libong buhay ng mamamayan.
Dinakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) - Imus si Susan Agner, lokal na lider ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), kasama ang tatlo pang residente ng Barangay Patungan sa Maragondon, Cavite.
Umalma ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa mga balak na bago at matataas na buwis na ipapataw sa mamamayan.