Balita

Kaso kontra Alabang Piston 3, ibinasura

Pinawalang-sala ng Muntinlupa Metropolitan Trial Court Branch 113 nitong Hunyo 13 ang tatlong tsuper sa Alabang matapos silang arestuhin sa kanilang partisipasyon sa transport strike noong Marso.

Ilang pangisdaan sa Oriental Mindoro, maaari nang buksan

Iminungkahi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Mayo 8 na maaari nang buksan sa mga mangingisda ang Cluster 4 (Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao) at 5 (Puerto Galera, Baco at San Teodoro) sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Dating Charge d’Affaires sa Syria, idenemanda

Pormal na naghain ng reklamong pagpapabaya at pang-aabuso ang 25 domestic worker sa Office of the Ombudsman laban kay dating Charge d'Affaires to Syria Alexander Lamadrid noong Mayo 26.

Kasong rebelyon laban sa NL 7, ibinasura

Ibinasura ng Regional Trial Court (RTC) sa Bangued, Abra ang kasong rebelyon laban sa anim na aktibista at isang community journalist mula sa Ilokos at Kordilyera matapos makita ang kakapusan ng ebidensya.

De Lima, napawalang-sala sa ikalawang kaso

Pinawalang-sala ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256 si dating Sen. Leila de Lima sa isa sa dalawang natitirang kasong isinampa sa kanya na may kaugnayan sa iligal na droga noong Mayo 12.

Pamilya, nanawagang ilitaw ang Taytay 2

Mahigit dalawang linggo makalipas ng pagkawala ng dalawang indigenous peoples’ rights advocates, nanawagan ang kanilang mga pamilya na ilitaw na ang dalawa. Pinaghihinalang kinuha ang dalawa ng mga puwersa ng estado.

Unyonista sa BPO, pinaslang

Nananawagan ng hustisya ang iba’t ibang grupo sa pagpaslang kay Alex Dolorosa, unyonista at paralegal officer mula sa BPO Industry Employees’ Network (BIEN).

Marcos Jr., hinabol ng rally sa US, 4 inaresto

Hinuli ng pulisya ang apat na kabataang nagprotesta sa harapan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang mga kasamang naghahapunan sa isang mamahaling restaurant sa Washington D.C. sa United States.

Mag-asawang Tiamzon, 8 iba pa, minasaker—CPP

Minasaker ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang operasyong dinirehe ng Estados Unidos ang mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants na sina Benito Tiamzon, Wilma Austria-Tiamzon, at walo pa nilang kasamahan, sa Samar noong Agosto 21, 2022.