Karapatang Pantao

Anak ng tagapagsalita ng CPDF ‘ilegal’ na inaresto

(UPDATED) Inaresto ng mga pulis sa Baguio City ang anak ni Simon “Ka Filiw” Naogsan, tagapagsalita ng Cordillera Peoples Democratic Front (CPDF), rebolusyonaryong organisasyon ng mga kautubo na kaanib ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Matapos ang halos isang linggo ng paghahanap ng mga kaanak at grupong pangkarapatang pantao, natagpuan nilang nakapiit sa […]

Pag-alala sa desaparecidos

Kahit hindi nila tiyak kung buhay o patay na ang kanilang mga mahal sa buhay, ginunita ng mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala o desaparecidos ang araw ng mga kaluluwa

Pamilya ni Ericson Acosta, tinatakot at hinaharas ng militar

Inirereklamo ng pamilya ng bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta ang pananakot at pagbabanta sa kanila ng diumano’y mga ahente ng militar. Inihayag ni Isaias Acosta, ama ni Ericson na nakatanggap ang kanilang drayber ng  magkasunod na  text messages noong Oktubre 24 at 25.  Nakasaad sa unang text message: “ericson acosta is in danger he […]

Kapunan lalong nadidiin sa kaso ng pagpatay kina Olalia, Alay-ay

Isang dating pulis ang tumestigo sa korte na isinama siya ni retiradong Lt. Col. Eduardo “Red” Kapunan sa pulong ng grupong nagplano ng pagpatay sa lider-obrero na si Rolando Olalia at Leonor Alay-ay halos 26 taon na ang nakararaan. Si Medardo Barreto, dating sarhentong pulis, ang nagtestigo sa pagdinig ng Antipolo Regional Trial Court Branch […]

Militar pinapanagot sa masaker sa pamilya ng katutubong kontra sa mina

Masaker, hindi engkuwentro. Ito ang iginigiit ng iba’t ibang grupo kasama na ang simbahang Katoliko sa naganap na insidente sa Tampakan South Cotabato noong Oktubre 18. Napaslang noon si Juvy Capion at mga anak niyang sina John, 8, at Jorge, 13. Si Juvy ay asawa ni Daguil Capion na isang lider-katutubo ng tribong B’laan, at […]

Malagim na tortyur ng militar sa maling taong dinukot

Nasa gobyerno pangunahin ang pagbibigay proteksiyon at pagpapahalaga sa dignidad ng bawat taong inaaresto, rebelde man o simpleng mamamayan. Pero sa kabila ng pagkakaroon ng batas laban sa tortyur noong 2009, patuloy pa ring ginagamit ng mga puwersa ng estado ang pagtortyur. Ganito ang akusasyon ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan sa mga elemento ng […]

Lider kontra pagmimina sa Batangas, nakaligtas sa pagpaslang

Sugatan ang isang lider-kababaihan na kontra pagmimina matapos ang tangkang pamamaslang kahapon sa probinsya ng Batangas. Ayon sa ulat ng Gabriela-Southern Tagalog, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at naka-bonnet ang bumaril kay Daisy Ayo, kasapi ng Gabriela-Batangas at miyembro ng Samahan at Ugnayan ng Mamamayan ng Batangas, sa palengke ng Brgy. Lucsuhin, Calatagan. “Masuwerte lamang […]

Para sa kagalingan at karapatan ng mga bata

Katahimikan ang namayani sa bulwagan matapos magsalita si Melissa San Miguel sa mikropono. Garalgal ang tinig ng executive director ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns at tila nagpipigil ng hikbi. Inanunsiyo niya, sa harap ng pambansang kumperensiya para sa karapatan at kagalingan ng mga bata, isang malagim na pamamaslang sa isang bata sa Tarlac ang […]

Internasyunal na komunidad, nabahala sa pagpaslang ng lider-katutubo

Nabahala ang internasyunal na komunidad sa pagpatay kay Gilbert Paborada, 47, isang lider-katutubo na lumalaban sa pangangamkam ng lupa ng isang plantasyong palm oil sa Opol, Misamis Oriental. Sa isang pahayag sa midya, kinondena ng Pesticide Action Network Asia and the Pacific (PAN AP), isang nongovernment organization na nakabase sa Malaysia, ang pagbaril kay Paborada […]