GPH balakid sa kapayapaan dahil sa di-pagrespeto sa naunang mga kasunduan sa NDFP
Pangunahing bara sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng rebolusyonaryong kilusan at gobyerno ng Pilipinas ang pagtanggi ng huli na tupdin ang nakaraang mga kasunduan. Kinondena ito maging ng pandaigdigang mga abogado. Pero di pa rin umano nawawalan ng pag-asa sa negosasyon ang NDFP.