Araw ng ‘Huwad na Kalayaan’?
Ito ang uri ng "kalayaan" na ipinagdiwang noong Linggo: Ang kalayaang ipagdiwang ang pamamayani ng interes ng dayuhang bansa. Ang kalayaang ipagdiwang ang panlilinlang.
Ito ang uri ng "kalayaan" na ipinagdiwang noong Linggo: Ang kalayaang ipagdiwang ang pamamayani ng interes ng dayuhang bansa. Ang kalayaang ipagdiwang ang panlilinlang.
Nakipagdiyalogo ang iba't ibang asosasyon ng mga pamantasan sa mga estudyante: Mahalaga, anila, sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon ang miscellaneous fees. Pero hindi kumbinsido ang mga estudyante.
Tumaas na raw muli ang matrikula sa Unibersidad ng Pilipinas, sa pamamagitan ng bagong iskema sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program o STFAP. Galit na nagbabanta ang mga organisasyon at konseho ng mga mag-aaral na malawakang magpoprotesta kung itutuloy ng administrasyon ng UP ang bagong iskemang ito.
Nawalan na ng bisa ang moratoryo ni Pangulong Noynoy Aquino sa demolisyon ng mga bahay ng mga maralita sa Kamaynilaan. Parang asong ulol na dinagsa ng mga pulis, demolition teams at tauhan ng mga lokal na pamahalaan ang mga komunidad ng mga maralita. Nitong Lunes, Mayo 30, rumesbak sila, sa pamamagitan ng protesta.
Inihanay ng Pinoy Weekly ang pangunahing mga konsepto sa debate sa Reproductive Health Bill, at ang pananaw hinggil dito ng apat na puwersang nangunguna sa debate. Mahalagang maarmasan ang mga mambabasa ng kaalaman hinggil sa pundamental na mga usapin gaya ng kalusugan ng bayan, karapatan ng kababaihan, at kahirapan.
Bihira nang lumampas sa 100 metro mula sa baybayin ang karamihan sa mga mangingisda sa Brgy. Poblacion, Gitagum, Misamis Oriental. Hindi na sila gumagamit ng motor, o kalahati na lang ng dating distansya sa laot ang nararating, dahil sa taas ng presyo ng gasolina.
Dahil sa militanteng mga pagkilos ng mga tsuper, operator at iba pang sektor ng mga mamamayan laban sa walang patid na taas-presyo ng langis, napilitan ang administrasyong Aquino na maglaan ng pondo para sa programang “pantawid pasada.” Pero tila hindi ito ang hinihiling ng mga mamamayan.
Sa Lacub, Abra, ipinagdiwang kamakailan ang kultura ng pakikibaka sa Kordilerya. Maraming bagong paglaban ang kinahaharap ng mga katutubo. Kabilang na rito ang abusadong militar at mga kompanyang nagtatangkang pagsamantalahan ang mayamang kalikasan ng Kordilyera.
Ipinamalas ng mga manggagawa ang kanilang lakas noong Mayo Uno, sa pinakamalaking pagkilos sa panunungkulan ni Pang. Noynoy Aquino. Simula pa lamang ito, anila, ng papalaking mga pagkilos hangga't walang tunay na pagbabago.
Inaasahang sampu-sampung libong mamamayan ang titipon sa Liwasan Bonifacio at magmamartsa patungong Mendiola ngayong Mayo 1 para muling irehistro sa publiko at sa pangulo: Sa harap ng pagiging "maka-kapitalista" ni Aquino, nagkakaisa ang mga manggagawa at mamamayan para sa makabuluhang dagdag-sahod at tunay na panlipunang pagbabago.