Istorya ng Linggo

Matinding panganib ng plantang nukleyar, nakita sa Japan

Naipamalas sa nagaganap ngayon sa Hilagang-Silangang bahagi ng Japan ang matinding panganib ng mga plantang nukleyar sa ordinaryong mga mamamayan. Buntung-hininga ang mundo sa posibilidad ng nuclear meltdown. Samantala, para sa isang grupo ng makabayang mga siyentista, parehong panganib ang dala ng plano ng gobyerno na revival ng Bataan Nuclear Power Plant.

Kababaihan inudyukan si P-Noy na umaksiyon sa presyo, sahod

Malubha ang epekto sa kababaihang maralita ng sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng batayang mga bilihin at pamasahe. Nais nilang agarang harapin ng administrasyong Aquino ang pag-ampat sa matinding krisis na ito. Kung kaya't sa martsa ng aabot sa 8,000 katao ng Gabriela sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8, mensahe ng kababaihan kay P-Noy: Gumising ka't kumilos para maibsan ang paghihikahos ng sambayanan. Kung hindi...

MILF-GPH Peace Talks: Usapang nababalam

Handa silang makipag-usap at wakasan ang armadong tunggalian, ayon sa Moro Islamic Liberation Front. Makatarungan umano ang kanilang hangad na karapatan na makapagpasya sa sarili. Pero kung muling mabibigo ang negosasyon, handa pa rin silang ipagtanggol ang kanilang mga lupain – gamit ang armas.

EDSA ng pagbabago: Saan, kailan, kanino?

Sa saliw ng kanta ng The Jerks na "Sayaw sa Bubog," narito ang ilan sa mga imaheng nakuha ng Pinoy Weekly sa dalawang magkahiwalay na pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA noong 1986, habang sinisikap sagutin ang katanungang "Para saan, kailan, at para kanino ang pagdiriwang na ito?"