Istorya ng Linggo

Usapang pangkapayapaan ng GPH-NDFP, matagumpay na nagtapos

Natapos na ang unang round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyernong Aquino at National Democratic Front of the Philippines. Pinagkasunduan nila, sa wakas, na hindi terorista ang CPP, NPA at NDFP. Nagkaisa rin silang ipagpapatuloy ang implementasyon ng Carhrihl, at ang adyenda ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms sa susunod na usapan. Ngunit nagsimula pa lamang ang trabaho para sa kapayapaang nakabatay sa katarungan.

Walang reporma, kung walang pananagutan sa AFP

Ipinakita ng mga alegasyon nina dating Lt. Col. George Rabusa, dating COA Auditor Heidi Mendoza, at iba pa, na talamak at sistematiko ang korupsiyon sa loob ng Armed Forces of the Philippines. Bulok na ang institusyong ito, at walang maaasahang reporma kung di masisimulan sa pagpapanagot sa pinakamatataas na opisyal ng AFP noon at ngayon.

10 taon matapos EDSA 2: Bakit kailangan pa rin nating gunitain

Ilang alaala ng militanteng lider sa EDSA Dos -- sampung taon na ang nakararaan ngayong linggo. Inipaliliwanag din niya kung bakit hindi nasayang ang pag-aalsa ng mga mamamayan noong Enero 2001, at bakit mahalaga pa ito sa susunod na mga pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Natatanging Progresibo ng 2010

Tulad noong nakaraang taon, nagbuo ang istap ng Pinoy Weekly ng lista ng mga personahe, grupo at kaganapan na lumikha ng malaking ingay at impluwensiya para sa progresibong pagbabago noong taong 2010.