Natatanging Progresibo ng 2010
Tulad noong nakaraang taon, nagbuo ang istap ng Pinoy Weekly ng lista ng mga personahe, grupo at kaganapan na lumikha ng malaking ingay at impluwensiya para sa progresibong pagbabago noong taong 2010.
Tulad noong nakaraang taon, nagbuo ang istap ng Pinoy Weekly ng lista ng mga personahe, grupo at kaganapan na lumikha ng malaking ingay at impluwensiya para sa progresibong pagbabago noong taong 2010.
Libu-libong mga mamamayan ang dumalo sa selebrasyon para sa ika-42 anibersaryo ng pagrerebolusyon ng Communist Party of the Philippines sa Surigao del Sur, Mindanao. Siyempre, minaliit ito ng AFP. Pero para sa mga dumalo at mga rebolusyonaryo, patunay ang selebrasyon ng ibayong paglakas diumano ng rebolusyon.
Nakauwi sa bansa ang Pinay na ginahasa sa Saudi Arabia. Sa kanyang pag-uwi, bitbit ni Nerissa Neri ang kuwento ng kanyang kalbaryo, at ang isang liham mula sa iba pang Pilipinong nakapiit. Hindi katulad niya, maraming OFW ang mawawalay sa kanilang pamilya ngayong Pasko.
Tatlumpu't tatlo sa Morong 43 ang inisyal na lumaya, gabi ng Disyembre 17 at madaling araw ng 18. Maligaya ang mga kaanak, pero para sa mga dating detinido, hindi sa gobyernong Aquino sila dapat magpasalamat -- pinatagal pa nito ng halos anim na buwan ang pagkakakulong nila -- kundi ang mga mamamayang nangalampag, nangulit, nagprotesta.
Malaki ang pag-asang mapapalaya na ang detinidong 43 manggagawang pangkalusugan “anumang araw ngayong linggo.” Ito ang pahayag ni Atty. Julius Matibag, isa sa mga abogado ng tinaguriang “Morong 43,” matapos ang pagdinig ng Morong RTC sa mosyon ng mga tagausig ng Department of Justice (DOJ) para iatras ang kaso laban sa 43.
Iginigiit ng militar na nasawi si Leonardo Co at dalawang kasamahan niya sa isang engkuwentro sa Kananga, Leyte noong Nobyembre 15. Pero lumalabas sa pagsusuri ng isang fact-finding mission na malayo ito sa posibilidad. Ang naiiwang posibilidad: tinarget o napagkamalan lang ng militar na NPA ang grupo ni Leonardo Co. At pinagtatakpan ng militar ang tunay na nangyari sa lugar.
Unang araw pa lamang ng Disyembre at unang araw ng paggunita ng Human Rights Week. Marahas nang binuwag ng kapulisan ang protesta ng mga drayber ng kuliglig sa Maynila. Sa kabila ng pandaigdigang panawagan na palayain ang Morong 43, nanatili silang nakapiit. Sumisigaw na katarungan ng mga taga-Hacienda Luisita at iba pang biktima ng nagdaang rehimen. May katarungan ba sa “daang matuwid?”
Ipinamamalas ng sobrang babang sahod ng mga manggagawa ang tindi ng pambubusabos sa kanila ng mga kapitalista sa lipunang Pilipino. Kaya naman, ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM na kailangang magkaisa ang iba't ibang inaaping sektor para ilaban ang dagdag-sahod.
Isang taon ang lumipas mula nang maganap ang masaker ng 58 katao sa Ampatuan, Maguindanao. Takot at hinagpis pa rin ang nararamdaman ng mga nakaligtas at kaanak ng biktima. At ang kultura ng impunidad sa bansa, walang kasingtindi.
Wala pa ring hustisya sa mga biktima ng tinaguriang masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004. Sinariwa ng mga militanteng grupo at mga mamamayan ng asyenda ang pangyayaring ito -- sa panahong iyung dating tagapagsalita ng pamilyang Cojuangco't manedsment ng asyenda ay pangulo na ngayon ng bansa.