Istorya ng Linggo

Karaban para sa Morong 43, hinarang sa Camp Bagong Diwa

May bitbit na permit para magdaos ng pagtitipon para sa Morong 43 sa Camp Bagong Diwa, nagkaraban ang mahigit 200 tagasuporta at kaanak patungo sa kampo. Pero hinarang sila ng pulis at pinigilang makabisita sa mga detinidong manggagawang pangkalusugan -- pinakahuli lamang sa serye ng panunupil at paglabag sa matagal nang niyuyurakang karapatan ng Morong 43 at tagasuporta nila.

Walang kamatayang undas

Hindi pagluluksa kundi mistulang pagdiriwang ang Undas para sa maraming Pinoy. Pinagkakagastusan, pinagkakaabalahan, pinagkakapaguran. Pero, sa mga sementeryo, nahahati pa rin ang mga tao sa iilang mayayaman karamihang mahihirap.

Magsasakang Pilipino, may dahilang mag-alsa

Nagtagpo sa Kamaynilaan ang mahigit 3,000 magsasaka na naglakbay mula sa iba't ibang rehiyon para muling hilingin sa bagong rehimen ang luma nang hiling: Tunay na reporma sa lupa, hindi mapanlinlang na ekstensiyon ng CARP. Hustisya sa mga inapi't inabuso, hindi pagpapanggap at pagpapabango ng bangong pangulo.

Pangangalakal ng kababaihang OFW sa Jordan

Biktima sila ng human trafficking sa bansang Jordan: inalipin, pinahirapan, minolestiya, ginahasa. Pero matapos makatakas sa kanilang abusadong mga amo, kahit ang mga opisyal ng pamahalaa'y inaabuso din umano sila. Giit ng mga kaanak nila: Agarang pauwiin ang mga biktima. At bigyang hustisya ang nangyari sa kanila.

Depensa ng maralita sa North Triangle

Ito ang "pag-aalsang EDSA" ng mga maralita ng North Triangle: Sa militanteng pagkakaisa at pagbabarikada, napatigil nila nang mahigit tatlong oras ang trapiko sa EDSA, gayundin ang pagpapademolis -- bagamat pansamantala -- sa kanilang mga tahanan.

Para sa negosyo, itataboy silang maralita

Sa halip na mga bahay: mga mall, call centers, tanggapan ng dayuhang mga korporasyon, parke. Sa halip na disente at matinong kabuhayan: kontraktuwal na mga trabaho. Ito ang plano sa North Triangle sa Quezon City. Itataboy ang libu-libong maralita para sa isang panlabas na mga istruktura ng "kaunlaran."