Pamana ni Cory Aquino
Malay sa kahinaan ngunit tapat sa pangako ng paglaban, naging simbolo si Cory Aquino ng lumalabang sambayanang Pilipino.
Malay sa kahinaan ngunit tapat sa pangako ng paglaban, naging simbolo si Cory Aquino ng lumalabang sambayanang Pilipino.
Lumipas ang pangalawang pag-aalsa sa Edsa at nasaksihan ng Pinoy Weekly ang huling yugto ng buhay pampulitika ni Cory: ang paglahok ng dating pangulo sa kilusang kontra-Arroyo, mula sa unang pagpanawagan niyang magbitiw sa puwesto ang kasalukuyang pangulo noong 2005, hanggang sa huling pampulitikang pahayag niya sa rali kontra Charter Change sa Makati noong Hunyo 10. (Mga larawan)
Ngayong Agosto, muling papasok sa pormal na usapang pangkapayapaan ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines matapos ang matagal na pagkaantala. May bahid man ng duda sa motibo ng gobyernong Arroyo, may naaaninag pa ring pag-asa ang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan.
Habang nagtatalumpati sa Gloria, sa labas ng Batasan Pambansa, sa kalsada ng Commonwealth, aabot sa 20,000 ang nagmartsa, nagpaulan, sumayaw, kumanta, humiyaw, nagsunog. Gusto nilang masigurong ito na nga ang huling SONA ni Gloria. (Mga Larawan at Video)
Bago pa man ang State of the Nation Address ni Gloria Arroyo, araw-araw na ang mga pagkilos at protesta kontra sa Con-Ass at panunungkulan niya.
Mula sa kanilang mga komunidad maaaninag ang tunay na lagay ng bayan. Sa isinagawang SOUP o State of the Urban Poor, isiniwalat ang “halos siyam na taong pagkakait ni Pangulong Arroyo sa taumbayan ng batayang mga pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan at serbisyo.”
Posibleng gawing dahilan ng rehimeng Arroyo ang sunud-sunod na mga pagbomba sa Mindanao para magdeklara ng Batas Militar at mapahaba ang termino ng Pangulo.
Ito ang pinakamalupit na pambobomba na nagaganap sa Mindanao: Ang walang tigil na pananalakay ng Armed Forces of the Philippines sa sibilyang mga komunidad sa Maguindanao. Laganap ang paglabag sa karapatang pantao ng mga Moro. Dumarami rin ang lumilikas. Ito ang tila nakukubling krisis ngayon sa naturang probinsiya.
Bagamat nakaligtas si ‘Aliyah’ sa tangkang panggagahasa ng kanyang amo sa Saudi Arabia, natatakot pa rin siya. Hindi para sa kanyang sarili, kundi sa 20 pang Pinay na naiwan sa mala-impiyernong tanggapan ng sukab na Arabo.
Nasa bingit na ng resesyon ang Pilipinas. Sa tangka sa Kamara na tipunin ang Constituent Assembly, lalo pang malalagay sa alanganin ang tagibang nang ekonomiya at patitindihin ang sigalot sa pulitika sa bansa.