Paninindigan sa likod ng pagkalas
Hindi nila ikukumpromiso ang hangarin para sa katarungan sa mga biktima ng batas militar ni Marcos kapalit ng puwesto sa slate ni Sen. Manny Villar. Ngayon, idineklara nang independiyenteng tatakbo sa pagkasenador sina Rep. Satur Ocampo at Rep. Liza Maza. Determinado silang magwagi, at itulak ang bagong pulitika sa bansa.