Ang totoo sa ‘Villarroyo’
Pakawala ba talaga ng kasalukuyang rehimen si Manny Villar? Wala mang matibay na patunay at lantarang ispekulatibo, aktibong ipinapakalat ang mga tsismis ng mga katunggali ni Villar para pabagsakin siya sa halalan.
Pakawala ba talaga ng kasalukuyang rehimen si Manny Villar? Wala mang matibay na patunay at lantarang ispekulatibo, aktibong ipinapakalat ang mga tsismis ng mga katunggali ni Villar para pabagsakin siya sa halalan.
Galit na galit na ang mga kaanak ng mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao. Kumpirmado ang matagal na nilang hinala: na hindi makakakamit ng hustisya ang mga mahal nila sa buhay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Mahigit nang dalawang buwan mula nang dakpin at ipiit ang Morong 43 sa kampo ng militar. Nagpapatuloy ang harasment laban sa kanila, at maging ang kanilang mga kaanak ay damay sa pagmamalupit at pagkakait ng katarungan.
Sikat ang Recto Avenue na pagawaan daw ng pekeng mga diploma at iba pang dokumento. Pero sa nalalapit na gusali na Malakanyang, partidong pinatatakbo sa eleksiyon naman ang pinepeke.
Labinlimang taon matapos di-makatarungang bitayin si Flor Contemplacion sa Singapore, lalo lamang lumala ang pang-aabuso at kawalan ng hustisya sa mga Overseas Filipino Worker.
Labag sa Konstitusyon ang pakikisangkot sa partisan politics ng Armed Forces of the Philippines. Pero sumusuot ang mga sundalo sa mga komunidad para magkampanya laban sa progresibong mga party-list at kandidato sa pagkasenador na sina Liza Maza at Satur Ocampo.
Isang Pinoy na namatay habang nagtatrabaho bilang interpreter ng mga tropang Amerikano sa Marawi City ang hinihinalang naging biktima ng karumal-dumal na krimen. Pero pilit umanong itinatago ng mga awtoridad ang ebidensya nito.
May pondo at maraming pagkakataon ang gobyernong Arroyo para mapaghandaan ang pagsapit ng penomenong El Niño ngayong tag-araw. Pero winaldas nito ang mga rekurso’t panahon. Ngayon, ikinakatuwiran pa ang tagtuyot para makakuha ng emergency powers si Pang. Arroyo.
Nagpapatuloy ang kuwento ng tortyur sa Morong 43. Giit ng kanilang mga kaanak at tagasuporta, at ng Commission on Human Rights, kagyat na ilipat ng kustodiya ang mga doktor at health worker at isalba mula sa kamay ng mga nagpapahirap sa kanila.
Lahat ng karapatan ng Morong 43 na posibleng malabag, nilabag ng mga sundalo’t opisyal ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa Kampo Capinpin sa Tanay, Rizal. Pero hindi mananahimik silang mga inabuso’t pinahirapan.