Kabataan

‘Dead end’ sa dalawang taong pagtahak ng kabataan sa ‘daang matuwid’

Inilabas ng militanteng kabataan ang kanilang galit sa administrasyong Aquino sa isinagawang walk-out sa kanilang mga pamantasan. Dismayado umano sila dalawang taong panunungkulan ni Aquino. Bitbit ang kanilang mga panawagan, nagtipon ang daan-daang mga nag-walkout na kabataan sa harap ng University of Sto. Tomas sa Espana Avenue at tumulak sa paanan ng Mendiola kung saan […]

Krisis sa edukasyon sa ilalim ni PNoy, kinondena ng kabataan

Kulang pa ring ang guro, klasrum, at iba pang esensiyal na mga kailangan sa paaralan at patuloy na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin. Samantala, tila nilihis ng administrasyong Aquino ang krisis na ito sa pinag-uusapang K+12 (kindergarten plus 12 years) na programa na isa ring itinuturing problema imbes na solusyon

Dagdag-pahirap na programang K+12

Grabe ang krisis ng pampublikong mga paaralan sa pasilidad. Pero sa kabila nito, pilit na itinutulak ng administrasyong Aquino ang programang K+12. Sa halip na gumanda ang kalidad ng pag-aaral, inaasahan ang pagdausdos pa nito

Party-list ng kabataan, ‘level-up’ na sa kumbensiyon

“Hindi lang isa, hindi lang dalawa, ngunit tatlong kinatawan sa kongreso ang ating titiyakin!” Ito ang pahayag ni Vencer Crisostomo sa harap ng mga kalahok ng nakaraang Kabataan Party-list National Convention na ginanap sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)-Sta. Mesa noong Mayo 11. Tinaguriang “Kabataan, Next-Level Na!” dinaluhan ito ng libu-libong kabataan at mga balangay […]

Nanalong tagapangulo ng student council sa UPLB, di pa rin naipoproklama

Mahigit isang linggo makaraan ang halalan ng konseho ng mag-aaral sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), hindi pa rin ipinoproklama ng Central Electoral Board (CEB) ang nanalong tagapangulo ng student council dahil sa umano’y di-pagbayad ng kanyang matrikula sa takdang panahon. Ayon sa partidong Sakbayan, maanomalya ang di pagproklama sa nanalong kandidato na si Ynik Ante […]

K+12: Dagdag aralin, dagdag pasanin

Namomroblema ang mga magulang sa taas-presyo ng mga bilihin habang mababa ang suweldo. Sa susunod na pasukan, poproblemahin pa nila ang dagdag na taong kailangang pag-aralin ang mga anak

Mas matinding protesta vs krisis sa edukasyon, inaasahan

Palala nang palala ang krisis sa edukasyon, ayon sa militanteng mga grupo ng kabataan: papataas na mga matrikula at mga bayarin, pagkaltas muli sa badyet ng sektor ng edukasyon, at kainutilan diumano ng administrasyong Aquino sa harap ng mga ito. Kung kaya muling tutungo ng lansangan ang kabataan, para iprotesta ang tumitinding krisis na ito.