Kabataan

Libreng edukasyon

Kapos, o mapanlinlang pa nga, ang kongkretong hakbang ng rehimeng Duterte para sa libreng edukasyon. Nasa kabataan at mamamayan ngayon ang tungkuling ipaglaban ito.

Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinas

Kaakibat ng tungkulin ng gobyerno na magbigay ng edukasyon sa mga mamamayan nito ang masigurong napapaunlad ang kalidad ng edukasyong ito batay sa pangangailangan at mithiin ng bansa. Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit na itinulak ng administrasyong Aquino ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang programang K-to-12 na nagpabago […]

Isa na namang mag-aaral, nagpatiwakal dahil sa di abot-kayang edukasyon

Sa gitna ng balitang muling magtataas ng singil ang ilang mga pamantasan at kolehiyo sa bansa, isa na namang kabataan ang nagpatiwakal sa hindi maabot na presyo ng bayarin sa paaralan. Inilahad ng mga grupong kabataan ang pangalan ni Jhoemary Azaula, isang mag-aaral ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (Eearist), at papasok na […]

Pag-apruba ng CHED sa taas-matrikula, binatikos ng kabataan

Hindi makatarungan ang pag-aapruba ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga aplikasyon ng taas-singil sa matrikula at iba pang mga bayarin sa mga pampribadong paaralan sa bansa, ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP). Tinungo ng mga estudyante sa pangunguna ng NUSP at kinalampag ang tarangkahan ng CHED upang irehistro ang kanilang […]

K-12, paparamihin lamang ang mga Mary Jane – LFS

Nagpiket ang grupo ng kabataan sa tanggapan ng Department of Education sa National Capital Region (DepEd-NCR) para ipanawagan ang pagbabasura ng programang Kindergarten-to-12 Years (K-12) sa sistema ng edukasyon sa bansa. Anila, magdudulot ito ng lalong pagdami ng murang lakas-paggawa na iluluwas palabas ng bansa. Tumungo nag mga grupong pinangunahan ng League of Filipino Students (LFS), kasama ang Migrante International […]

Paglaban para sa kinabukasan ni Monica

Madalas banggitin ng mga magulang na edukasyon ang tanging pamana nila sa kanilang mga anak. Kaya ganoon na lamang ang pagsusumikap nila at kahit mabaon pa sa utang, igagapang nila ang mga ito sa pagpapaaral matapos lang ng kursong magbabangon sa kanilang kinabukasan. Dapat sana, katuwang ng mga magulang ang pamahalaan na siyang responsable sa […]