Kabataan

Misteryo sa likod ng ‘Other School Fees’

Estudyante ng pharmacy si Mae Pauline Siocson sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Bagamat may magulang pa siyang handang magtustos sa kanyang matrikula, naisipan na rin niyang maghanap ng trabaho para makatugon sa ibang pangangailangan sa eskuwela. “Part-time tutor ako. Kumikita ako ng Php 10,000-15,000 kada buwan,” kuwento ni Mae. “Siyempre, nakakatulong ito; mahal mag-pharmacy. […]

‘Edukasyong ginagawang negosyo,’ muling kumitil ng buhay ng kabataan

Ang 16-anyos na si Rosanna Sanfuego ang pinakahuling biktima ng komersalisayon sa edukasyon. Ito ang sabi ng iba’t ibang grupo ng kabataan matapos kitilin ni Rosanna ang sariling buhay noong Pebrero 25. Matapos ito ng pag-text niya sa kapatid na lalaki na hindi siya nakapagbayad ng mga bayarin sa Cagayan State University (CSU) sa Tugegarao […]

Kabataan, nakakasa sa ‘Days Of Rage’ para pababain sa puwesto si Aquino

Malawakang pagliban sa klase at protesta ang panawagan ng progresibong mga grupo ng kabataan sa mga susunod na mga araw. Ang mensaheng nais iparating nila: “Hustisya, pananagutan at pagbabago” sa pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police, 18 kasapi ng Moro Islamic Liberation Front, at di-bababa sa […]

Estasyon ng tren, sinugod ng kabataang tutol sa taas-pasahe

Hindi nagpaawat ang kabataan sa pagprotesta sa harapan mismo ng Light Rail Transit (LRT) 2 sa Legarda Street sa Maynila kontra taas-pasahe sa tren. Para sa iba’t ibang organisasyon ng kabataan, dagdag pasakit umano sa kanila at sa kanilang mga magulang ang dagdag na pasahe sa tren. Naniniwala sila na di makatarungan ang ipinatupad na […]

Ilang minutong kabanalan

Nakakapangilabot makita ang libu-libong tao na nakahilera sa kalsada, sa gitna ng init ng araw at panaka-nakang ambon.  Halu-halo ang mga tao: bata’t matanda, babae at lalaki, may mga kaya sa buhay at marahil ang pinakamaraming mahihirap.  Hindi nila alintana ang ilang oras na pagtayo sa gilid ng kalsada, ibabaw ng mga concrete barrier at […]

DOTC, sinugod ng kabataan dahil sa taas-pasahe sa MRT, LRT

Nagprotesta ang grupo ng kabataan sa harap mismo ng tanggapan ng Department Transportation and Communication (DOTC) sa Mandaluyong City para ipatigil ang dagdag-pasahe sa tatlong tren sa Metro Manila. Ayon sa Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula) at Anakbayan ang nasabing protesta, hindi makatarungan ang taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT-3) at Light […]

‘Gobyerno, usad-pagong sa pagkilala sa karapatan, kagalingan ng bata’

Idinaan ng mga bata mula sa iba’t ibang komunidad ng Kamaynilaan at mga batang Manobo sa pagpapalipad ng saranggola ang paggunita sa anibersaryo ng ika-25 taong deklarasyon ng United Nations Convention on the Rights of the  Child (UNCRC). Inilagay ng mga bata ang kanilang kahilingan sa bawat saranggola at sabay-sabay na pinalipad. Ayon sa mga […]

Panukalang batas na sandata ng mga mamamahayag pangkampus, isinusulong

Itinuturing na mahalagang boses ng kabataan sa mga pamantasan at kolehiyo ang mga pahayagang pangkampus o campus publications. Katunayan, noong panahon ng diktadurang Marcos, naging malakas na tinig ng kabataan ang mga ito para tutulan ang tiraniya at pang-aapi. Mabuting balita, kung gayon, ang pag-usad sa Kamara ng panukalang batas na mangangalaga sa karapatan at […]

Over 200 student leaders from Luzon gather in NUSP’s ‘Dap-ayan’

More than 200 delegates from 50 different universities and colleges all over Luzon on September 12 to 15 gathered to forge unities and collective actions, as well as exchange ideas, learn from each other and collectively decide on matters affecting the studentry, youth and the nation. “Dap-ayan 2014: 6th Luzonwide Student Leaders Congress and Student […]

Dalawang dinukot na kabataan, tinortyur – Ridon

Sumailalim sa mental at psychological torture ang dalawang kabataang organisador sa isang kampo ng militar bago sila inilitaw sa Cabanatuan City ng mga pulis. Ito ang napag-alaman ni Kabataan Rep. Terry Ridon, matapos makausaup ang dalawang kabataan na sina Gerald Salonga, 24 at Guiller Cadano, 22. Sa bisita ng kabataang kongresista noong Setyembre 28 sa […]