Karapatang Pantao

Freedom

Hindi simpleng inip at bagot ang nararamdaman ko. Hindi lang simpleng pagkasaid ng pinansya o pasensya ang aking pinagdaraanan. Habang binibilang ko ang bawat araw ng pagkakait ng kalayaan at katarungan para kay Freedom, hindi ko na matanaw ang daang matuwid na sinasabi ng Pangulo.

Maralitang lungsod iginiit ang pagsuko ni Palparan

"Doble-kara!" Ito ang paglalarawan sa Malakanyang ng mga maralitang lungsod ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matapos manawagan ang Palasyo na ang nagtatagong dating heneral Jovito Palparan Jr. Anila, kakatwang ipinapanawagan ng administrasyong Aquino ang pagsuko ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) samantalang patuloy pa ring sinusupil nito ang lehitimong mga aktibista tulad ng dalawang lider ng Kadamay na dinukot ng pulis at militar noong Pebrero 7 sa Laguna.

Korte, nais siyasatin ang mga kulungan ng akusado sa kasong Cadapan-Empeno

Inatasan ng hukom sa kaso laban kay retiradong Hen. Jovito Palparan Jr., at iba pang militar, ang magkabilang panig na kasama sa korteng inspeksiyunin ang Army Custodial Management Unit sa Fort Bonifacio at PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City. Ito’y para mapag-alaman ang tunay na lagay sa naturang detention centers ng mga kapwa akusado ni Palparan na sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at Staff Sgt. Edgardo Osorio, ayon kay Judge Teodoro Gonzales ng Malolos Regional Trial Court, Branch 14, sa ikatlong pagdinig sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang aktibistang estudyante noong 2006 na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.