Main Story

‘Tuloy ang rebolusyon ni Bonifacio’

[cycloneslider id=”2014-bonifacio-day”] “Ikinararangal kong makaharap ang mga tunay na rebolusyonaryo.” Ito ang sabi ng aktor na si Robin Padilla nang humarap siya sa humigit-kumulang 8,000 katao na nagtipon at nagprotesta sa Liwasang Bonifacio para sa ika-151 araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Mensahe ng mga nagprotesta: buhay ang diwa ng dakilang Supremo sa mga […]

Larawan | Mamamayan ng Mindanao nangangalampag sa Maynila

[cycloneslider id=”manilakbayan-2014″] Pagkai’t kapayapaan. Ito ang simpleng hiling ng mga mamamayan ng Mindanao na kinatawan ng mahigit 300 Lumad at iba pang kalahok sa Manilakbayan ng Mindanao. Naglakbay sila mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao patungong Kamaynilaan para isapubliko ang kalagayan ng libu-libong mamamayan na napapasailalim sa teror ng iba’t ibang yunit ng militar. […]

‘Aquino, di mapagkakatiwalaan sa coco levy fund’

Hindi dapat ipagkatiwala kay Pangulong Aquino ang pondo ng coco levy. Ito ang tugon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa plano ng pangulo na maglabas ng executive order para sa kontrobersiyal na pondo, matapos makipagpulong (Aquino) sa isang grupo ng mga magsasaka mula sa Davao noong Miyerkules. Ayon kay Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP, […]

Karahasan sa kababaihan, tumitindi

Nagpahayag ng  pagka-alarma at galit ang grupong pangkakababaihan sa dumadaming kaso ng karahasan sa kababaihan. Sa isang press conference, sinabi ng Gabriela na bukod sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng panggagahasa, parami nang parami ang nabibiktimang mga menor-de-edad. Sa datos ng Philippine National Police (PNP), tumaas ang bilang ng kaso ng panggagahasa mula […]

Bisita sa Vietnam

[cycloneslider id=”32484″] Mas kilala pa ng middle class na kabataan ng henerasyon ko—malamang, kahit ng kabataan ngayon—sina John F. Kennedy at Abraham Lincoln kaysa sina Ho Chi Minh at Mao Zedong. Ang unang dalawa, hinahangaan bilang huwarang mga lider ng demokrasya. Samantala ang pangalawang tambal, siniraan sa popular na kultura at Kanluraning edukasyon, binabansagang masasamang […]

#HLMX | Nagpapatuloy ang laban sa #HaciendaLuisita

[cycloneslider id=”hlmx”] Sampung taon na ang nakaraan, pero batid nilang mahaba pa ang laban para makamit ang tunay na hustisya at reporma sa lupa. Ito ang mensahe ng paggunita ng mga mamamayan ng Hacienda Luisita at mga tagasuporta nila ang ika-10 taong anibersaryo ng masaker noong Nobyembre 16, 2004. Noong araw na iyon, pitong welgista […]

Mga guro, nagsagawa ng ‘sit-down protest’ para sa dagdag-suweldo

Dahil sa umano’y pagbibingi-bingihan ng adminstrasyong Aquino sa panawagan nila para sa dagdag-sahod, naglunsad ang mga guro sa buong bansa ng sit-down protest. Sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), pumasok ang mga guro sa kani-kanilang klase pero hindi umano sila magturo sa isang buong araw bilang protesta. “Ito’y pagbibigay babala sa pamahalaan na […]