Lathalain

Minimum na sahod, iginiit ng OFW atbp. migrante sa Hong Kong

Hong Kong–Kabilang ang mga Overseas Filipino Worker sa libu-libong mga migranteng manggagawa na nagdiwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa, sa pamamagitan ng pagdaos ng isang kilos-protesta para igiit ang pagsama sa kanila sa Statutory Minimum Wage Law ng nasabing bansa. Sa kasalukuyan, hindi kasama sa binibigyan ng minimum na sahod ang mga foreign domestic worker […]

Sa isla ng mga Mangyan

Silang unang nanirahan sa isla ng Mindoro ang kalauna’y itinaboy patungo sa mga kabundukan. Ngayon, dahil sa gobyerno at sa malalaking kompanya ng mina, pati sa kabundukan ay baka maitaboy din sila.

Pambansang industriyalisasyon para sa malawakang empleyo

Sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at gobyernong Aquino, nakasalang ang mungkahi na pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa, na ayon sa NDFP ay magbibigay-empleyo sa milyun-milyong manggagawang Pilipino.

Mga atake sa kilusang paggawa

Sa pamamagitan ng mga batas, polisiya at desisyon ng nakaraan at kasalukuyang mga rehimen, unti-unting natapyasan ang kakayahan ng mga manggagawa na ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Pero may lakas ang manggagawang Pilipino para pangunahan ang makabuluhan at malawakang pagbabago ng lipunan.

Kung bakit ayaw ni Noynoy sa makabuluhang dagdag-sahod

Kung gusto, maraming paraan. Kung talagang ayaw, maraming dahilan. Angkop ito sa posisyon ng administrasyong Aquino sa panukalang makabuluhang dagdag-sahod ng mga manggagawa: Maraming palusot ang pangulo, dahil mas pabor siyang manatili ang malalaking kita ng mga kapitalista kaysa tugunan ang pangangailangan ng naghihikahos nang Pilipinong manggagawa.

Taas-presyo ng langis at estasyon ng krus

Mistulang susunod na Station of the Cross ng mga deboto at relihiyoso ang plakard ng mga miyembro ng Gabriela sa Brgy. Tatalon, Quezon City na nananawagan ng pagbaba ng presyo ng langis at pagbasura sa Expanded Value-Added Tax (E-VAT). Kunsabagay, kung bawat Station of the Cross ni Kristo ay pagpapakita ng pagpapahirap sa kanya, kumakatawan din ng pagpapahirap sa mga mamamayan ang walang-patid na taas-presyo ng langis at pananatili sa E-VAT. (Macky Macaspac)