Lathalain

‘Walang ginhawa sa barya’

Hindi kumbinsido ang Kilusang Mayo Uno sa "baryang" dagdag sa Ecola na pinag-iisipan pa nga lang na ialok ng gobyernong Aquino sa mga manggagawa. Sa huling sampung taon, grabe ang itinaas ng presyo ng langis at mga bilihin. Sa kabila nito, walang dagdag-sahod na ibinigay ang gobyerno na makakatulong sa mga manggagawa.

‘Balikatan walang pakinabang sa sambayanan’

Walang pakinabang sa mga mamamayang Pilipino ang 27 ehersisyong militar na Balikatan sa pagitan ng armadong puwersa ng US at Pilipinas, ayon sa militanteng mga organisasyon. Puro kapahamakan lamang ang presensiya ng tropang US sa iba't ibang bahagi ng mundo. Kabilang na rito ang panghihimasok ng tropang Kano sa Libya, Afghanistan, Iraq at siyempre, Pilipinas.

Morong 43 nagsampa ng kaso vs GMA, iba pang opisyal ng militar

Dahil sa paglilingkod sa mga mahihirap, pinahirapan at di makatarungang kinulong sila mahigit limang buwan bago bumaba sa poder si Gloria Macapagal Arroyo. Ngayon, sila ang isa sa mga unang naghabla ng kasong sibil laban sa dating pangulo. Hangad nila: Katarungan, di lamang para sa kanila, kundi para sa lahat ng biktima ng karapatang pantao noong nagdaang rehimen.

Mga batang biktima ng kalupitan ng militar

Sina Joseph, Tina at Mica, Erwin at Lara, at iba pang bata ang mga biktima ng abuso ng mga ahente ng militar sa pagkondukta nito ng giyera kontra-insurhensiya. Hiling ng child rights advocates tulad ng Children’s Rehabilitation Center na pakinggan naman ng bibisitang kinatawan ng UN ang boses nila.

Protesta kontra oil price hike, paglaban sa kahirapa’t pambubusabos

Nagpamalas ng pagkakaisa ang iba't ibang sektor sa iba't ibang probinsiya ng bansa para ihayag ang pagkondena sa walang puknat na taas-presyo ng langis. Ngunit simula pa lamang ito, ayon sa Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM. Determinado silang lalong paigtingin ang mga protesta laban sa tumitinding kahirapan sa bansa at anila'y tumitindi ring pambubusabos sa mga manggagawa at mga mamamayan.

Pagsagip sa buhay ni Sally Ordinario, hiniling sa vigil ng kaanak, Migrante

Balisa ang mga kaanak at tagasuporta ni Sally Ordinario-Villanueva, dahil maaaring bitayin na si Sally ngayong umaga ng Marso 30. Para sa Migrante International, isang malungkot at nakakagalit na halimbawa na naman ito ng matinding pagpapabaya ng gobyerno sa mga Overseas Filipino Worker na nasa panganib sa ibayong dagat.

Azkals pasok na sa AFC Challenge Cup finals

Pormal nang pumasok ang Pilipinas sa kasalukuyang Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup matapos talunin ang Bangladesh kahapon. Kasapi ang Pilipinas sa Group A, kasali ang Bangladesh, Palestine at Myanmar. Sa ikot ng mga laro, unang tumabla ang Azkals sa Myanmar 1-1, habang tumabla rin ngunit hindi nakapuntos laban sa Palestine. Kakailanganin ng tuwirang panalo […]