Noynoy sa UP: ‘Emperador na walang damit’
Binulabog ng protesta ng mga estudyante, guro at kawani ng Unibersidad ng Pilipinas si Pangulong Noynoy Aquino noong UP Graduation. Ang mensahe: Walang pagbabagong dala ang kanyang administrasyon.
Binulabog ng protesta ng mga estudyante, guro at kawani ng Unibersidad ng Pilipinas si Pangulong Noynoy Aquino noong UP Graduation. Ang mensahe: Walang pagbabagong dala ang kanyang administrasyon.
Mas malaya nang nakapagmimina ang malalaking dayuhang kompanya dahil sa Public-Private Partnerships. Gayundin, anim na environmental activists na ang pinaslang sa unang 10 buwan ni Pangulong Aquino.
Ikinuwento ng mga maralitang kababaihan ang hirap na pagkasyahin ang minimum na sahod ng kanilang asawa sa pang-araw-araw na mga bilihin. Inihayag naman ng mga kawani sa gobyerno na maging silang may regular na trabaho, nababaon sa utang dahil sa liit ng suweldo.
Sinugod ng organisadong mga magsasaka at iba pang progresibong grupo ang Camp Servillano Aquino sa Tarlac upang irehsitro ang pagtutol sa presensiya ng militar ng US sa Gitnang Luzon sa uri ng Balikatan Military Exercises. Nakiisa din sila sa laban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita para sa tunay na reporma sa lupa.
Sagad na ang gutom ng mga maralita, kaya't hindi na kakayanin pa ang panibagong pagtaas sa presyo ng bigas na dulot ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Inireklamo ng mahigit 300 na Overseas Filipino Worker (OFW) ang patuloy na pagkakait sa kanila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa P10,000 financial assistance, matapos sapilitang mapauwi dahil sa epidemikong malaria sa Madagascar. Ngayong araw, muling dumagsa ang mga manggagawa sa tanggapan ng OWWA sa Pasay City para singilin si OWWA Administrator Carmelita Dimzon […]
Bakit dinakip ng militar si Ericson Acosta? Bakit siya ikinulong? Nasaang kasuluk-sulukan ng kapuluan ang barangay Bay-ang, at ano naman kaya ang pinaggagagawa roon ng isang makata at manunulat na gaya niya? Sa artikulong ito, isinalaysay mismo ni Ericson ang mga natagpuan niya sa pananaliksik sa kalagayan ng karapatang pantao sa Silangang Kabisayaan.
Inanunsiyo ng Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM), na maglulunsad ang ibat’t ibang sektor ng isang metro-wide noise barrage sa Abril 14 upang ipanawagan ang pagtaas ng dagdag sahod.
Madalas na may kaugnayan sa usapin ng lupa ang panghaharas sa mga katutubo, at totoo ito sa kaso nina Ernesto Bubod at Eddie Cruz. Pagpataw ng mga gawa-gawang kaso ang sagot nila sa pakikibaka ng mga katutubo laban sa pag-agaw sa kanilang katutubong lupain.
Isang babaing Overseas Filipino Worker (OFW) ang hindi pa rin naiuuwi ang mga labi, pitong buwan matapos paslangin sa kusina ng kanyang employer, ayon sa grupong Migrante-Middle East. Dahil sa umano’y kawalan ng aksiyon ng gobyerno, nananatili sa King Fahad Hospital sa Al-Khobar, silangang bahagi ng Saudi Arabia, ang 22-anyos na si Romilyn Eroy-Ibanez. Noong […]