Lathalain

Walang patumanggang tortyur

Nagpapatuloy ang kuwento ng tortyur sa Morong 43. Giit ng kanilang mga kaanak at tagasuporta, at ng Commission on Human Rights, kagyat na ilipat ng kustodiya ang mga doktor at health worker at isalba mula sa kamay ng mga nagpapahirap sa kanila.

Video: Edsa People Power 1 at ang mga Progresibo

Panayam kay Obet de Castro hinggil sa partisipasyon ng progresibong kilusan sa pag-aalsa sa EDSA noong Pebrero 1986 na nagpabagsak sa diktador na si Ferdinand Marcos. Lider-kabataan noon si de Castro, at isa sa mga aktibong lumahok sa mga pagkilos laban sa diktadura nang maganap ang pag-aalsa, hindi lamang sa EDSA, kundi sa buong bansa.

Laban sa Laiban Dam

Sa harap ng Department of Environment and Natural Resources, nagpipiket ang mga katutubong Dumagat para harangan ang pagtatayo ng San Miguel Corporation sa dam na magpapalayas sa kanila.

OAV sa Hong Kong, Singapore pinangangambahang pumalpak

Nangangamba ang Migrante International na posibleng pumalpak ang OAV (Overseas Absentte Voting) sa mga bansang Hong Kong at Singapore, na mag-uumpisa sa loob ng pitong linggo, dahil sa umano’y kakulangan sa preparasyon ng Commission on Elections (Comelec). Isiniwalat ng grupo na hindi pa rin nakakapaglabas ng guidelines ang Comelec hinggil sa awtomadong pagboto. “Kakarampot na […]

Eleksiyong 2010: Sino ang tunay na para sa mga OFW?

Kung ilang dekada na ang labor-export policy ng gobyerno sa bansa. Pero hangad pa rin ng malawak na bilang ng mga mamamayan ang disente, nakabubuhay at makataong trabaho sa bansa. Samantala, sa ibayong-dagat, patuloy na inaabuso at minamaltrato ang mga OFW. Ano ang masasabi ng mga kandidato sa pagka-presidente hinggil dito?

Isyung bayan, pag-usapan sa halalan

Bulok ang pulitika ng bansa – ito’y tiyak na natin. Sa panahon ng kampanya sa eleksiyon, laman ng mga pahayagan, telebisyon at radyo ang mga paninirang-puri ng magkakalabang pulitiko. Batbat ang midya ng jingle at gimik para mapansin natin ang mga kandidato.

Simbahang Katolika, nangampanya para sagipin si Jakatia Pawa

Lumahok na ang ilang mga Simbahang Katolika sa kampanya para sagipin ang buhay ni Jakatia Pawa, isang 22-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na hinatulan noong Enero ng parusang kamatayan para sa pagpatay diumano ng anak ng kanyang amo. Nakipagtulungan ang mga parokya sa Caloocan sa Migrante International, tagapagtipon ng Save Jakatia Pawa […]

Tortyur sa Kampo Capinpin

Lahat ng karapatan ng Morong 43 na posibleng malabag, nilabag ng mga sundalo’t opisyal ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa Kampo Capinpin sa Tanay, Rizal. Pero hindi mananahimik silang mga inabuso’t pinahirapan.

Paglilingkod at panunupil

Panayam ng Pinoy Weekly kay Dr. Julie Caguiat, Executive Director ng Community Medicine Development Foundation (Commed).