Mga Larawan: Kampanya para palayain ang Morong 43
Mula Morong, Rizal hanggang Camp Capinpin, hanggang Court of Appeals sa Manila -- mga imahen ng pagmamalupit at pagpupunyagi ng Morong 43.
Mula Morong, Rizal hanggang Camp Capinpin, hanggang Court of Appeals sa Manila -- mga imahen ng pagmamalupit at pagpupunyagi ng Morong 43.
Magmula ngayong linggo hanggang sa bisperas ng botohan sa Mayo 10, 2010, maglalabas ang Pinoy Weekly ng mga ulat hinggil sa mga paninindigan ng mga kandidato sa pagka-presidente sa iba’t ibang batayang isyu ng bayan. Unang isyu: Repormang agraryo.
Ano ang kapalit ng paglilingkod sa pinakaliblib na mga lugar na hindi nakakatikim ng serbisyong pangkalusugan? Malinaw na hindi pagkilala o papuri mula sa gobyerno. Alamin ang adbokasiyang itinaguyod ng detenidong 43 doktor at health worker na pinararatangang rebelde.
Sinimulan noong Pebrero 6 ng mahigit 200 Overseas Filipino Workers (OFW), karamiha’y inhinyero, bisor, at manggagawa sa konstruksiyon, ang welga laban sa isang kompanya sa Saudi Arabia dahil sa umano’y mga paglabag sa kontrata kabilang ang di-pagbayad at delayed na suweldo, ilegal na kaltas sa suweldo, at di-pagbayad ng overtime pay. Ayon sa ulat na […]
Pinapirma ng mga opisyal ng gobyerno ang mga inabusong caregiver sa isang settlement na nagsasabing hindi sila maaaring makapaghabol sa kanilang mga reklamo. Kapalit nito ang tiket sa eroplanong gagamitin nila para makauwi.
Mabigat ang hatol sa Commission on Elections ng mga grupong inaral nang independiyente ang Automated Elections System na gagamitin sa Mayo. Umano’y “hindi handa” ang Comelec at “nanganganib” ang halalan na pinapangarap ng lahat na maging malinis at kapani-paniwala ang resulta.
Matagumpay na napaatras ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong ang mandatoryong membership at paniningil ng Pag-Ibig, na tinitingnang isang pabigat sa mga migranteng Pilipino. Inihayag ni Cynthia Abdon-Tellez, tagapangulo ng Gabriela-Hong Kong, na pansamantalang iniatras na ng gobyerno ang panukalang gawing mandatoryo ang pagiging kasapi ng Pag-Ibig para sa mga OFW sa […]
Namamayagpag pa rin ang takot sa bayan ng Ampatuan. Kalunos-lunos ang kalagayan ng daan-daang bakwit, na tila pinabayaan ng gobyernong di rin naman masugpo ang pribadong hukbo ng mga Ampatuan.
Dalawang buwan makaraan ang masaker sa Ampatuan, bumalik sa pinangyarihan ng krimen ang kaanak ng mga biktima para maghilom at makipagkaisa sa iba pang mga naghahanap ng hustisya.