Lathalain

Unang bayo ng krisis pampinansiya

Migranteng Pilipino ang unang binabayo ng krisis pampinansiya sa daigdig. At lalo lamang titindi ang epekto nito sa mga bansang tulad ng Pilipinas na nakadepende ang ekonomiya sa malalaking bansa. Sunod na maaapektuhan: lokal na obrero. Itanggi man ng gobyernong Arroyo, inutil sila para pigilan ito.

Dayuhang ayuda, di pa rin napakikinabangan ng mahihirap

Hindi lahat ng tumutulong ay may dalisay na intensiyong makatulong. Ang mayayamang bansang “nag-aayuda” sa mahihirap na bansa, halimbawa, ay kalimitang may kalakip na kondisyon na silang mayayaman lang ang makikinabang.

Sanhi’t lunas sa katiwalian

Hitik na sa kultura ng korupsiyon ang bansa. Mula sa pinakamababang empleyado ng gobyerno hanggang sa pinaka-itaas, matatagpuan ito. Kaya naman kadalasa'y tinatanggap na "normal" na lamang ito. Pero hindi pa huli ang lahat.

Opensa ang depensa ng tinutugis na aktibista

ILANG segundo pa lamang ng pagkakaakyat sa entablado at pagsasalita sa mikropono, tumulo na ang mga luha ni Dana Marcellana, anak ng pinaslang na tagapagtanggol ng karapatang pantao na si Eden Marcellana at ng kasalukuyang tinutugis ng gobyernong Arroyo na si Orly Marcellana.

Kumusta na silang ibinilanggo ng Estado?

ANIM silang nakapiit ngayon sa Provincial Jail ng Mindoro Oriental sa lunsod ng Calapan. Binibintang sa kanila ang mga kasong kriminal na anila’y “halatang gawa-gawa” lamang. Bago ito’y isa-isa silang dinakip ng di-unipormadong mga kalalakihan, dinala sa mga kampo ng militar, sinalang sa tuloy-tuloy na interogasyon at saka itinawid ng dagat papunta sa isla ng Mindoro. Naiwan nila ang kanilang mga kaanak sa Rizal, Cavite at Laguna na puno ng pag-aalala sa maaring gawin ng mga nagpadakip sa kanila.

Pagdakip at Pagpapahirap sa Akin

HAYAAN muna ninyong pasalamatan ko ang Karapatan-Ilocos at Dinteg sa Baguio City sa suporta nila sa kaso kong rebelyon sa Condon City. Na-dismiss ang kaso ko doon noong ika-22 ng Oktubre 2008. Sa katunayan, nagulat akong nalaman na may kaso ako sa Condon City – Hindi pa nga ako nakatuntong ng Ilocos bago ang arraignment. […]

Buto at ilan pang palatandaan ng malagim na kaganapan sa Limay

Naghihintay sa dalang pananghalian ng kanyang tatay sa kanilang paaralan sa Subic, Zambales si Shara Hizarsa noong Marso 22, 2007. Pagdating nito magsasalo silang mag-ama sa pagkaing araw-araw niluluto at inihahatid ni Abner. Ito na ang kanilang regular na gawain simula noong tumigil ang kanyang ama sa pagiging kasapi ng kilusang lihim dahil sa sakit. […]

Pagbangon at paglaban ni Hazel

Walang malay na halos si Hazel nang isakay siya ni Sgt. Ronald Edward Hopstock Jr. sa isang taksi sa labas ng Hotel New Century sa Okinawa, Japan gabi noong Pebrero 18. Sumibat agad ang sundalong Kano, at naiwan sa taksi si Hazel. Di pa nakalalayo ang taksi nang bumalik ito sa harap ng hotel. Natakot […]

Pagpupunyagi nina Karen at Sherlyn

Sa kabila ng mga dinanas niya, matapang pa rin si Sherlyn Cadapan. Bata pa lamang, nakitaan na siya ng ganitong katangian, laluna noong naging atleta si Sherlyn. At tulad marahil ng mga torneong nalahukan niya noong kolehiyo ang pakikipagtagisan sa mga militar habang nasa kamay nila – laro lamang ito ng isip at determinasyon. Isang […]