Lathalain

Mga salarin sa masaker, direktang inarmasan at pinondohan ng gobyerno

Direktang nanggaling sa gobyernong Arroyo ang armas at pondo ng mga civilian volunteers organization o CVOs na tulad ng mga pumatay diumano sa di bababa sa 57 sibilyan, mamamamahayag at abogado sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23. Binuo sila para sa giyera kontra-insurhensiya, pero notoryus sa malawakang paglabag sa mga karapatang pantao.

Paninindigan sa likod ng pagkalas

Hindi nila ikukumpromiso ang hangarin para sa katarungan sa mga biktima ng batas militar ni Marcos kapalit ng puwesto sa slate ni Sen. Manny Villar. Ngayon, idineklara nang independiyenteng tatakbo sa pagkasenador sina Rep. Satur Ocampo at Rep. Liza Maza. Determinado silang magwagi, at itulak ang bagong pulitika sa bansa.

Korte Suprema ‘inawitan’ ng TRO sa de-listing ng Migrante party-list

Maagang christmas caroling ang handog ng mga miyembro ng Migrante sa Korte Suprema ngayong araw para hingiin ang mabilis na pag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO)  sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na tanggalin ang grupo mula sa listahan ng mga party-list na makakatakbo sa 2010 halalan. “Umaasa kami na wawakasan ng Supreme Court […]

Tagumpay, at pighati, ng mga Pinoy sa boksing

Nitong nakaraan ay makulay ang naging pakikipagsapalaran ng ating mga atletang Pilipino, mula sa track and field hanggang sa boksing. Tampok rito ang pagwawagi ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto. Itinigil ang laban ilang segundo pa lamang ang nakakalipas sa 12th at huling round upang maagaw ng Pambansang Kamao ang titulo ng World Boxing Organization […]

Mga Ampatuan: Mabangis na alyado ng Malakanyang sa Maguindanao

Kilalang malapit na alyado ng Malakanyang ang mga Ampatuan. Katunayan, noong 2004, dineklara ni Ampatuan Sr. ang Maguindanao bilang "Arroyo country", na siyang nagdeliber ng pinakamalaking boto para kay Arroyo. Noong 2007, naulat ng Pinoy Weekly ang balita ng matinding pandaraya diumano sa naturang probinsiya na sinasabing pinangunahan ng mga Ampatuan.

Video: Paggunita sa ikalimang anibersaryo ng masaker sa Hacienda Luisita

Nagkabaraban papunta sa Hacienda Luisita sa Tarlac City ang halos 2,000 katao para gunitain ang ika-5 anibersaryo ng masaker sa asyenda noong Nobyembre 16, 2004, na ikinamatay ng pitong manggagawang-bukid. Iginiit ng progresibong mga grupo ang tuluyang pamamahagi ng mga lupain na pagmamay-ari ng pamilya Cojuanco-Aquino. May 2,000 ektarya ng asyenda ang kasulukuyang binubungkal ng mga magsasaka.

14 na taon sa bilangguan sa Kuwait, OFW umapela sa paglaya

Isang OFW (overseas Filipino worker) na nakabilanggo sa Kuwait ang umapela para sa kanyang paglaya. Sa pamamagitan ng kanyang kapatid at mga kaibigan, hiniling ni “Jose”, (di tunay na pangalan) sa isang e-mail sa Migrante – Middle East na bigyang-pansin ang kanyang kaso dahil 14 na taon na siyang nasa bilangguan. Si Jose, isang tennis […]

Si Clinton at ang pakay ng US sa Pilipinas

Hindi lamang nasa Pilipinas si US State Secretary Hillary Clinton para sa isang humanitarian visit, kundi para siguruhin ang pangmilitar at pang-ekonomiyang interes ng Estados Unidos sa bansa. Umano'y napapansin na din ng US ang pagtutol sa kanilang mga imposisyon.

Executive Order 839: Hanggang kailan?

Kung gugustuhin nito, kaya naman pala ng gobyerno na kontrolin ang presyo ng langis. Pero dahil layunin lamang ng EO 839 na magpapogi sa publiko, nagkakandarapa na ito sa pagsabing kulang na ang suplay ng langis – para muling amuin ang nagmamaktol nang mga kompanya ng langis.