Lathalain

Larawan at video: Isang linggong protesta para palahukin ang Migrante sa halalan, ikinasa

Ikinasa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang isang linggong protesta para udyukan ang Commission on Elections na palahukin ang Migrante Party-list sa 2010 halalan. Tinututulan nila ang Comelec En Banc Resolution noong Oktubre 13, 2009 sa dinidiskwalipika ang Migrante at 25 pang party-list. Umano’y labag ang nasabing resolusyon sa Party-list System Act at isang hakbang […]

Pagsipat sa papalapit na halalan

Palapit na nang palapit ang halalang 2010. Kabi-kabila na ang paghahanda ng iba’t ibang partido politikal at mga indibiduwal na nais maging sunod na pangulo ng bansa. Ngunit sa pagkakataong ito, ano nga ba ang mananaig: rekurso’t personalidad pa rin ba o platapormang nakabatay sa kahilingan ng taumbayan?

Nakawelgang caregiver sa Saudi: gobyerno ‘nakipagsabwatan’ sa abusadong kompanya

Kalunus-lunos ang kondisyon ng 89 Pinay caregiver sa Riyadh, Saudi Arabia na tumigil sa paggawa at ngayo’y humihiling na agad ibalik sa Pilipinas matapos ang “di makataong pagtrato” ng kanilang employer, ang Annasban Group of Companies. Pero sa kabila nito, patuloy ang pakikipagsabwatan ng POEA at Philippine Overseas Labor Office sa abusadong kompanya.

25 Pinay, isang organisasyon: Ang paghawan sa landas ng kababaihan

Sa ika-25 anibersaryo ng Gabriela, nagbalik-tanaw ang mga miyembro at lider nito sa kasaysayan ng organisasyon -- kung bakit naging kadikit ng pangalang Gabriela ang imahen ng palabang babae sa kasaysayan. Samantala, pinarangalan ng grupo ang 25 babaing humawan ng landas ng pakikibaka para sa karapatan at interes ng kababaihan at sambayanan.

OFW sa Hong Kong nag-text barrage para palahukin ang Migrante Party-list sa 2010

Nagsagawa ng text barrage ang mga OFW (Overseas Filipino Worker) sa Hong Kong para udyukan ang mga komisyuner ng Comelec (Commission on Elections) na payagang tumakbo ang Migrante Party-list sa halalan sa 2010. “Patuloy na dudumugin ng text messages ang mga komisyuner ng Comelec hangga’t hindi tinatanggal ang Migrante sa listahan ng de-listed na mga […]

Pagtanggal sa Migrante, pulitikal ang dahilan

Determinado ang mga overseas Filipino workers sa ilalim ng Migrante na lumahok sa halalang party-list sa 2010, kahit na tila pinupulitika na sila ng Commission on Elections.