Mga Larawan: Kordilyera matapos ang bagyong Pepeng
Mga eksena sa Kordilyera matapos salantahin nito ang bagyong Pepeng. Pagkatapos makita ang mga larawan, alamin din kung papaano makakatulong.
Mga eksena sa Kordilyera matapos salantahin nito ang bagyong Pepeng. Pagkatapos makita ang mga larawan, alamin din kung papaano makakatulong.
Darami pa ang sakuna gaya ni Ondoy at Pepeng, hangga’t umeeskapo ang mga kapitalistang bansa sa kanilang istorikal na pananagutan sa climate change.
Sabi nila, gawa ng kalikasan ang bagyo, pero gawa ng tao ang kalamidad. Totoo nga, maaaring nabawasan sana ang bilang ng mga namatay at nasira sa nakaraang baha sa Kamaynilaan, partikular sa Marikina, kung pinaghandaan sana ng pamahalaan ang mga bagay na matagal nang inaasahan.
Sa ilalim ng pamahalaang hindi nila naasahang sumagip sa kanila sa panahon ng panganib, naipamalas nilang sa kanilang pagkakaisa'y kaya nilang magpunyagi at makaahon. Narito ang mga larawan at dalawang artikulo hinggil sa relief efforts sa Kamaynilaan ng militanteng mga organisasyon matapos ang pagragasa ng bagyong Ondoy.
Nagtipun-tipon sa New York ang mga artistang Filipino-American at mga tagasuporta sa New York para mangalap ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Ondoy noong Oktubre 2, 2009. Pinamagatang “Shine,” ginanap ito sa Bayanihan Filipino Community Center in Woodside, Queens sa pangunguna ng Sandiwa (National Alliance of Filipino American Youth) and National Alliance for […]
Nagpakitang-gilas ang koponang Smart-Gilas, kahit sa isang pagkakataong ito. Ginapi ng tropa ni CJ Giles na Smart-Gilas ang kapwa nilang National Team na Powerade Team Pilipinas noong nakaraang Lunes (Oktubre 5) sa isang palaro na ginanap sa Araneta Coliseum upang makalikom ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Kumana si Giles, isang Amerikanong […]
Muli, ilang imahen noong Sabado, sa pagragasa ng bagyong Ondoy sa Kamaynilaan. Narito rin ang ilang imahen ng pag-asa: ang mga unang hakbang sa pagbangon matapos ang matinding kalamidad.
Binatikos ng Migrante-Middle East si Pangulong Arroyo sa pag-uutos nitong iregularisa ang mga donasyon mula sa ibayong dagat para sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Ayon sa grupo makababagal lamang ito sa pagdaloy ng mga tulong na lubhang kinakailangan ng mga nasalanta. Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Arroyo noong Setyembre 29 na “hindi sisingilan ng buwis […]