Ang tunay na iskuwater sa Lawa ng Laguna
Biktima na nga, isinisisi pa ng gobyerno sa daan-daan libong maralita ang pagbaha sa paligid ng Laguna Lake. Samantalang absuwelto ang malaking komersiyo na tunay na sanhi ng matinding problema sa lawa.
Biktima na nga, isinisisi pa ng gobyerno sa daan-daan libong maralita ang pagbaha sa paligid ng Laguna Lake. Samantalang absuwelto ang malaking komersiyo na tunay na sanhi ng matinding problema sa lawa.
Libu-libong bata ang nasadlak sa trauma bunsod ng mapait na karanasan nila noong bagyong Ondoy. Ito ang isa sa mga pamamaraan para makaigpaw dito ang mga bata.
Pansamantala, abala ang mga organisasyong OFW sa pamimigay ng kagyat na tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Gayunman, naniniwala silang dapat magkaroon ng kahandaan ang gobyerno sa tuwing sasapit ang mga kalamidad.
Isang OFW na biktima ng rape sa Saudi Arabia ang naghihintay pa rin ng tulong ng konsulado ng Pilipinas sa naturang bansa matapos ang mahigit isang buwang pagkakakulong. Sa isang text ng kapatid ng biktima kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-Middle East, sinabi umano ng biktima na wala pa rin siyang tulong na natatanggap, […]
Ano ang nasa isip ng mga nagpapatakbo ng San Roque Dam (SRD) na nagpakawala ng 5,300 kubiko metro ng tubig kada segundo sa kasagsagan ng bagyong Pepeng noong gabi ng Oktubre 7? Tiyak, hindi ang mga mamamayan ng Pangasinan, na agad pinaligiran ng rumaragasang baha nang magpakawala ng tubig ang dam.
Inireklamo ng Migrante International ang kawalan ng due process sa pagtanggal sa kanilang grupong party-list ng Commission on Elections (Comelec) sa talaan ng mga party-list na maaaring lumahok sa halalan sa 2010. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na kuwestiyonable ang delisting sa kanilang party-list dahil hindi sinunod ng Comelec ang proseso na kailangang abisuhan […]
Isang maulang gabi matapos ang bagyong Ondoy, pumunta sa isang maralitang komunidad sa Quezon City si GMA. Di siya namigay ng anumang ayuda. Pero nanghakot siya ng mga maralitang pinangakuan niya ng lupa’t bahay. Dinala niya ang mga ito sa Palasyo at iprinisinta sa midya – evacuation center na raw ang Malakanyang.
Mga eksena sa Kordilyera matapos salantahin nito ang bagyong Pepeng. Pagkatapos makita ang mga larawan, alamin din kung papaano makakatulong.
Darami pa ang sakuna gaya ni Ondoy at Pepeng, hangga’t umeeskapo ang mga kapitalistang bansa sa kanilang istorikal na pananagutan sa climate change.