Lathalain

Istranded na OFW sa Jeddah, nais makauwi bago mag-Hajj

Apatnapu’t siyam na istranded na OFW sa deportation center sa Jeddah, Saudi Arabia ang umaasang mapapauwi sila sa Pilipinas bago ang pagdiriwang ng Hajj sa susunod na buwan at para na rin makasama ang kanilang pamilya bago mag-Pasko. Ayon kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-Middle East, isang OFW na nagngangalang Abdul Jalil, 30 taong […]

Binasang kamusmusan

Libu-libong bata ang nasadlak sa trauma bunsod ng mapait na karanasan nila noong bagyong Ondoy. Ito ang isa sa mga pamamaraan para makaigpaw dito ang mga bata.

OFW, tuloy ang pagdamay sa mga nasalanta sa Pilipinas

Pansamantala, abala ang mga organisasyong OFW sa pamimigay ng kagyat na tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Gayunman, naniniwala silang dapat magkaroon ng kahandaan ang gobyerno sa tuwing sasapit ang mga kalamidad.

OFW biktima ng rape sa Saudi, naghihintay ng tulong ng konsulado

Isang OFW na biktima ng rape sa Saudi Arabia ang naghihintay pa rin ng tulong ng konsulado ng Pilipinas sa naturang bansa matapos ang mahigit isang buwang pagkakakulong. Sa isang text ng kapatid ng biktima kay John Leonard Monterona, tagapag-ugnay ng Migrante-Middle East, sinabi umano ng biktima na wala pa rin siyang tulong na natatanggap, […]

Utak-negosyo, hanggang sa huling sandali

Ano ang nasa isip ng mga nagpapatakbo ng San Roque Dam (SRD) na nagpakawala ng 5,300 kubiko metro ng tubig kada segundo sa kasagsagan ng bagyong Pepeng noong gabi ng Oktubre 7? Tiyak, hindi ang mga mamamayan ng Pangasinan, na agad pinaligiran ng rumaragasang baha nang magpakawala ng tubig ang dam.

Delisting ng Comelec sa Migrante, karagdagang sampal sa karapatan ng OFWs

Inireklamo ng Migrante International ang kawalan ng due process sa pagtanggal sa kanilang grupong party-list ng Commission on Elections (Comelec) sa talaan ng mga party-list na maaaring lumahok sa halalan sa 2010. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na kuwestiyonable ang delisting sa kanilang party-list dahil hindi sinunod ng Comelec ang proseso na kailangang abisuhan […]

Gimik ni GMA sa Brgy. Tatalon

Isang maulang gabi matapos ang bagyong Ondoy, pumunta sa isang maralitang komunidad sa Quezon City si GMA. Di siya namigay ng anumang ayuda. Pero nanghakot siya ng mga maralitang pinangakuan niya ng lupa’t bahay. Dinala niya ang mga ito sa Palasyo at iprinisinta sa midya – evacuation center na raw ang Malakanyang.