Sa isang snake rally palibot ng Central noong Linggo kung kailan karamihan sa mga Pinoy ay walang trabaho, nanawagan ang mga migrante sa Hong Kong na payagan ng Commission on Elections na lumahok sa halalan ang Migrante Party-list. Anila, kailangang patunayan ng Comelec na gumagana pa ang demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng pagtanggal sa Migrante sa talaan ng delisted na mga party-list para sa halalang 2010. (Contributed Photo)
Bagong administrasyon, bagong pag-asa. Bagong Pilipinas pa nga, sabi ng iba. Matapos ang siyam na taong panunungkulan ng isang Pangulong kinamuhian ng mayorya ng mga mamamayan (at maraming survey na magpapatunay sa puntong ito), nakaluklok ngayon sa puwesto ang bagong Pangulong malinaw na may suporta ng mahigit 14 na milyong botante noong nakaraang halalan.
Hindi naging biro para sa masang Pilipino ang pinagdaanang kahirapan at panunupil sa loob ng siyam na taon ng isang pangulong sagad at lantaran ang korupsiyon, pandaraya, pasismo, at kasama ng mga kontra-mamamayang mga polisiya ay naglugmok ng bansa sa pinakamatitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika.
Posible nga ba ang pre-programming ng PCOS machines at/o ng CF cards para pumabor sa isang kandidato noong nakaraang eleksiyon, tulad ng alegasyon ng impormante ni Prop. Jose Maria Sison? Dalawang eksperto sa IT ang nagpapatotoo.