Multimedia
Noynoy Aquino: Anong Demokrasya?
Kung para sa demokrasya si Noynoy Aquino, hindi niya dapat isantabi at siraan ang mga progresibo, ayon sa bidyo-ulat na ito hinggil sa pakikitungo sa Kaliwa ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo. Ang pagiging malapit ni Aquino sa social democrats at hindi pagtugon sa ugat ng rebelyon ay senyales umano na posible ang pinakamasasahol na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang rehimen, kung sakaling manalo.
Mga Larawan: Dambuhalang protesta ng obrero sa Mayo Uno
May pabaon ang mga manggagawa sa huling Mayo Uno sa puwesto ni Pangulong Arroyo: Ang isa sa pinakamalaking pagkilos ng mga manggagawa sa panahon ng kanyang rehimen.
Mga Larawan: Ngitngit sa administrasyon ng kaanak ng biktima ng Ampatuan masaker
Galit na galit na ang mga kaanak ng mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao. Kumpirmado ang matagal na nilang hinala: na hindi makakakamit ng hustisya ang mga mahal nila sa buhay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Mga Larawan: Pagtatakip, iregularidad sa pag-aresto sa Morong 43 muling nailantad sa pagdinig ng CHR
Tila nagkabuhul-buhol na ang pahayag ng mga pulis at militar kaugnay ng reyd at pag-aresto ng tinaguriang "Morong 43." Ang pinakahuling namuhol ang dila: Police Superintendent Allan Nubleza.
Video: Mamamayan pinaghahanda sa failure of elections at pag-aalsang bayan
Sa “Martsa ng Maralita” noong Marso 26, ipinakita ng mga maralitang lungsod at iba pang grupo ang kanilang disgusto sa umano’y siyam-na-taong “kalbaryo” sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Arroyo. Ipinaliwanag ni Renato Reyes Jr., convenor ng Kontra Daya, ang posibleng senaryong failure of elections at no proclamation. Hinikayat niya ang mga mamamayan na maging […]
Mga Larawan: Protesta vs siyam-na-taong kalbaryo ng maralitang Pilipino
Muling sumugod ang mga maralitang lungsod para igiit ang pagwawakas sa rehimeng Arroyo at pigilan ang mga pagmamaniobra ng rehimen para manatili sa poder.
Video: Libu-libong kababaihan nagmartsa kontra-Arroyo, sa sentenaryo ng Marso 8
Tinatayang 10,000 kababaihan, sa pangunguna ng grupong Gabriela, ang nagmartsa sa patungong Mendiola noong Marso 8, sentenaryo ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Nangako silang lalabanan ang pakana diumano ni Pangulong Arroyo na manatili sa poder lampas sa Mayo, at singilin ang pangulo sa umano’y mga krimen nito sa kababaihan at sa mga mamamayan.
Mga Larawan: Maalab na protesta ng Gabriela, sa sentenaryo ng Marso 8
Protesta ng kababaihan sa kanilang araw, Marso 8. Sa kabila ng nakapapasong init ng araw, nagmartsa mahigit 5,000 kababaihan para muling ipakita ang pagkamuhi nila kay Pang. Arroyo at panawagang wakasan na ang paghahari niya sa bansa.