Multimedia
Mga larawan: Sunog sa Baseco, katumbas ng demolisyon
Mabagal ang dating ng mga bombero, kaya't natupok ang daan-daang kabahayan sa isang maralitang komunidad sa Tondo, Maynila. Para na ring naisakatuparan ng gobyerno ang balak nitong demolisyon, ayon sa mga residenteng masama ang loob.
Mga Larawan: Pasko ng bulnerableng taumbayan sa harap ng pagsabog ng bulkang Mayon
Aabot sa 40,000 katao ang nagdiwang ng Pasko sa evacuation centers matapos sapilitang pinalikas sa kanilang mga tahanan dahil sa banta ng pagsabog ng bulkang Mayon sa probinsiya ng Albay.
Video: Bisita ni Clinton sa Pilipinas, sinalubong ng protesta
Magkakasunod na kilos-protesta ang sinalubong ng militanteng mga grupo sa pagbisita sa bansa ni US State Secretary Hillary Clinton. Hinarang ng pulisya sa Kalaw Ave. ang mga grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan na papunta sa embahada ng US sa Maynila noong umaga ng Nobyembre 12. Panoorin ang video ng unang protesta laban sa dalawang-araw na […]
Larawan at video: Isang linggong protesta para palahukin ang Migrante sa halalan, ikinasa
Ikinasa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang isang linggong protesta para udyukan ang Commission on Elections na palahukin ang Migrante Party-list sa 2010 halalan. Tinututulan nila ang Comelec En Banc Resolution noong Oktubre 13, 2009 sa dinidiskwalipika ang Migrante at 25 pang party-list. Umano’y labag ang nasabing resolusyon sa Party-list System Act at isang hakbang […]