Multimedia
Video: Maralitang residente ng Tatalon, saksi sa ‘panghahakot’ ni GMA ng evacuees
Basahin ang artikulo hinggil dito.
Mga Larawan: Kordilyera matapos ang bagyong Pepeng
Mga eksena sa Kordilyera matapos salantahin nito ang bagyong Pepeng. Pagkatapos makita ang mga larawan, alamin din kung papaano makakatulong.
Pansamantalang tulong, pangmatagalang laban
Sa ilalim ng pamahalaang hindi nila naasahang sumagip sa kanila sa panahon ng panganib, naipamalas nilang sa kanilang pagkakaisa'y kaya nilang magpunyagi at makaahon. Narito ang mga larawan at dalawang artikulo hinggil sa relief efforts sa Kamaynilaan ng militanteng mga organisasyon matapos ang pagragasa ng bagyong Ondoy.
Mga larawan: Simula ng pagbangon, matapos ang kalamidad
Muli, ilang imahen noong Sabado, sa pagragasa ng bagyong Ondoy sa Kamaynilaan. Narito rin ang ilang imahen ng pag-asa: ang mga unang hakbang sa pagbangon matapos ang matinding kalamidad.
Mga Larawan: Tatlong maralitang komunidad sa Quezon City
Maralita ang mayorya sa daan-daan libong nabiktima ng bagyong Ondoy noong Setyembre 26. Sila iyong mga nakatira sa mga barung-barong sa mga laylayan ng lungsod, sa mga tabing-ilog at mabababang lugar. Ito ang mga larawan ng tatlong maralitang komunidad sa Quezon City na nasalanta ni Ondoy, pero lumalaban.
Sa Pasig: Ikaapat na araw matapos ang pananalasa ni Ondoy
Sa Brgy. Maybunga, Pasig City, abot ang tubig hanggang sa tulay mismo noong kasgsagan ng baha. Libong pamilya ang naninirahan sa gilid ng floodway. Sa naturang barangay, naging evacuation center ang Brgy. Maybunga Elementary School. May 2,000 katao ang naririto sa kasalukuyan. Mga residente na nakatira sa gilid ng floodway. Walang punto para sa kanila ang bumalik sa bahay nila sapagkat sira na ang mga ito.
Video: Biktima ng kalamidad at kapabayaan
Mga kuwento ng trahedya at hinagpis sa Brgy. Bagong Silangan, Batasan, Quezon City. Sa plaza ng barangay, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga labi ng nasawing mga residente -- biktima kapwa ng kalamidad at kapabayaan.