Bilyon ang itatala, barya ang nakukuha
Natural ang recession. Makakabangon ang ekonomiya. Ang pagbulusok ng ekonomiya’y dahil sa pandemya. Ilan lang iyan sa mga katagang maya’t maya lumalabas sa bibig ng mga opisyal.
Natural ang recession. Makakabangon ang ekonomiya. Ang pagbulusok ng ekonomiya’y dahil sa pandemya. Ilan lang iyan sa mga katagang maya’t maya lumalabas sa bibig ng mga opisyal.
Pinagtrabaho ang mga manggagawa kahit walang kaseguruhan sa kalusugan gaya ng mass testing, contact tracing, inspection, at iba pa. Wala ring maayos na sistema ng pampublikong transportasyon para ligtas silang makapasok at makauwi.
Marami ang nababahala sa mga litrato ng mga LSI. Tabi-tabi ang istranded na mga Pilipino sa hagdanan, sa bleachers, ng sports complex. Marami ang nanlumo para sa kapwa Pilipinong ginagawang unan ang maleta at kama ang semento.
Sino nga ba ang nagtakda ng pinakamahabang lockdown (o community quarantine) sa kasaysayan ng mundo? Paulit-ulit na inekstend ang lockdown, dahil ang batayang rekisito para buksan ang ekonomiya sa panahon ng Covid-19 -- libreng mass testing -- ay hindi ginagawa.
Kaysaya sanang mapakinggan ng mga kataga, kasama na rin ng unangpagkondena ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at ng Malakanyang sa insidente. Anila, “duwag na aksiyon” ang pagabandona ng mga intsik sa mga Pilipinong mangingisda. Pero nangyari man ang imbestigasyon, naabsuwelto pa rin ang mga Tsino.
Kung gayon, ano ang dahilan ng lalong pagbilis ng pagkalat? Malinaw, dahil ito sa pagbukas ng rehimeng Duterte sa ekonomiya nang hindi nagpapatupad ng libreng mass testing. Itinatanggi pa nga ni Roque na kailangan ng mass testing. Sabi pa niya, bahala na ang pribadong sektor na paigtingin ang testing, kasi ang gagawin lang ng gobyerno ay “expanded targeted testing.
Higit na tumindi at naging mas litaw ang kahirapan, kagutuman, kawalan ng hustisya – pawang mga pundamental na suliranin sa bansa – sa loob lamang ng ilang buwan na pagharap ng gobyerno sa pandemyang ito.
Nakakabahala na walang natutunan sa pandaigdigang krisis pangkalusugan ang gobyernong Duterte. Nakakabahala na wala itong ni katiting na pagtugon sa mga lehitimong panawagan at inihahaing solusyon ng mga mamamayan. Basta para sa kaniya at kanyang mga heneral, pasaway kasi ang mga Pilipino kaya kailangang sindakin, parusahan, at patayin.
Sa ganitong hinaing ng mga mamamayan, madalas isagot ng gobyerno na mas kaunti naman ang naapektuhan ng Covid-19 ngayon kung ikukumpara sa walang anumang hakbang. Para bang dapat pang ipagpasalamat ng Pilipinas na kumilos, kahit kaunti, kahit sablay, ang gobyerno.
Ito ang mukha ng prebilehiyo sa bansang ito. Ang mga miyembro ng naghaharing uri, maaaring lumabag sa social distancing, maglagay sa panganib sa mga mamamayang nakakahalibilo nila, gamitin ang VIP status para makauna sa testing habang mas marami ang nangangailangan.