Opinyon

Kalat-kalat na pagmumuni-muni tungkol sa buhay-buhay

Abril 24. Pasko ng pagkabuhay. Ang kinikilalang diyos ng mga Kristiyano'y ipinakita ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng literal na pagbangon mula sa pinagkalibingan. Maraming naniniwala sa himala bagama't mayroon ding nag-iisip na ito'y simpleng salamangka. Kung sabagay, maraming pagdududa kung may mga indibidwal sa paligid nating hindi nagsasabi ng totoo.

Katoliko Sarado

Sa interbyu niya sa Buhay Manggagawa tungkol sa kasaysayan ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Mandy Felicia, training director ng Ibon Foundation, na pulitikal ang pagdiriwang ng naturang okasyon sa mismong petsang Mayo Uno.

Pagninilay-nilay sa mga Hudas ng ating buhay

Sa panahon ng Semana Santa, mainam na pagnilayan kung ano ang dapat gawin sa mga naglipanang Hudas sa ating lipunan. Papayag ba tayong hayaan ang kanilang pananatili sa kapangyarihan? Maghahanda na ba tayo para sa matagalang paglaban?

Oh, how the mighty have fallen!

Ang imahen ni Gloria Arroyo, bilang nagtatago sa likod ng mga sundalo at pulis tuwing lumalabas siya ng Palasyo sa takot sa dami ng mga mamamayan na nagpoprotesta laban sa kanya, ay imahen rin ni Noynoy Aquino kanina. Di pa isang taon mula ng manalo siyang Pangulo ng bansa dahil sa pagtatanggal sa kanya bilang "kampiyon ng mga mamamayan," takot na takot siya sa bulong man lang o anino ng sambayanang ipagtatanggol niya DAW.

How to Protect Ourselves From Nuclear Radiation

Misleading and false information regarding nuclear radiation and the dangers of exposure, particularly to lower levels associated with long-term adverse effects, continue to dominate whatever news is available to the people. Lives are at stake and this nuclear disaster is not something to trivialize. People, collectively and individually, should seriously begin to take steps to protect themselves from the nuclear radiation fallout and the inevitable contamination of our environment and our bodies.

Noynoy Halos Isang Taon Pagkatapos

Mula nang pumasok ang taon, sunud-sunod ang indikasyong tumitindi ang kahirapan ng mga mamamayang Pilipino. Nariyan ang balitang lumaganap ang kawalang-trabaho. Sumunod ang balitang dumami ang nakakaranas ng kagutuman at kahirapan. Sunud-sunod na nagtaasan ang presyo ng mga produktong petrolyo at batayang bilihin. Mas grabe ang pagtataasang ito kumpara sa taun-taong ritwal ng mga presyo sa simula ng taon. Kaya naman ang sahod ng mga manggagawa, nabawasan nang matindi ang tunay na halaga: P7.00 raw, ayon sa isang pag-aaral, sa maiksing panahon sa pwesto ni Noynoy Aquino. Nabawi ang P5.00 itinaas sa tunay na sahod sa ilalim ni Gloria Arroyo.

Binibining Proletaryo

Hindi man ako nanood ng Binibining Pilipinas, para narin akong nanood dahil ang Facebook friends ko ay nagbibigay ng halos live na update sa mga nangyayari. At siyempre, marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Shamcey Supsup, ang nagtapos ng summa cum laude sa Kolehiyo ng Arkitektura sa Unibersidad ng Pilipinas. Beauty AND brains, ang tawag nila.

Subsidyo bilang mapanlikhang panloloko

Kampi man ako sa mga kawawang tsuper, kontra ako sa subsidyong ibibigay sa kanila ng gobyerno. Pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino noong Abril 1 ang Executive Order (EO) No. 32 na nagtatag sa Public Transport Assistance Program (PTAP) o mas kilala sa tawag na Pantawid Pasada. Malinaw naman sa Sec. 2 ang layunin ng programang ito: "The PTAP shall partially subsidize the average consumption of the identified public transport group."