Opinyon

Airport

Ipinapahiwatig ng airports ang makabagong estado ng individual at kolektibong buhay—ang walang katiwawaang pag-aantay sa ilalim ng surveillance.  Tatlong oras kung international flight, dalawa kapag lokal na biyahe.  Di pa kasama rito ang biyahe papuntang airport, ang sobra-sobrang tantyahan at pataan sa oras para makarating sa itinakdang oras ng pag-aantay sa airport. Sa lamang pumapayag […]

Iba ang nag-punch in

Matatanggal ba sa kanyang trabaho ang isang manggagawang nagpa-punch in ng kanyang time card sa ibang manggagawa ? Ang tanong na ito ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Eats-Cetera Food Services Outlet, et. al. vs. Myrna Letran and Mary Grace Espadero (G.R. No. 179507) na binigyan ng desisyon ng Korte Suprema nito lamang Oktobre […]

Mga pelikula sa American Airlines

Nalaman ko lang na matagal na pala akong di nakapag-Amerika nang makita kong naglakihan na ang mga pamangkin kong dinalaw doon. Si Julia ay kasing laki ng bunsong si Isabella nang huli ko itong madalaw. Ang panganay na si Jake ay mas matangkad pa sa kanyang tatay sa kanyang 16 na taong gulang. May dalawa […]

Trahedya sa panahon ng Facebook

Maraming dapat ipagpasalamat sa Facebook (FB) bagama’t ito rin ang dahilan ng paminsan-minsang pagkaantala ng ilang gawain. Sa panahon ng trahedya’t malayo ako sa Pilipinas, malaking bagay ang social media tulad ng FB para malaman ang nangyayari sa mga mahal sa buhay. Mahalaga rin ito sa mabilis na pagkuha ng impormasyon. Masasabing may magandang ugnayan […]

Bakit di pa rin mapawi ang tiraniya

Sa mismong araw na ginugunita ng bansa ang deklarasyon ng batas militar ng isang nagdaang diktador ng bansa, may kaganapan sa araw na itong tila magpapaalala sa atin sa katotohanang malayo pa bago mawakasan ang tiraniya sa bansa.

Karapatan laban sa paniniktik

Alam ba ninyo ang tinatawag na “profiling”?  Isa itong counter-terrorism exercise na ginagawa ng mga pulis at sundalo para kilalanin  at mapagtuunan ng pansin ang mga personaheng posibleng maging banta sa lipunan. Halimbawa, sa isang mall ay titingnan nila ang mga pumapasok. Babantayan nila ang mga tao na rugged ang damit, mailap ang mga mata, […]

Nang dahil sa lamig ng Korea

DAEJEON, Timog Korea – Lumalamig ang panahon. Nararamdaman ko na ang ginaw sa paglabas ng bahay. Ang dating init ng araw na bumabati sa aking paglalakad ay napalitan na ng hanging nagpapataas ng balahibo sa aking katawan. Tila pababa nang pababa ang temperatura sa paglipas ng araw, lalo na sa pagsapit ng gabi. Panahon na […]

Butas sa kisame

Ito ang aking Moby Dick, kahit hindi naman ganoong kalaki. Higante pa rin itong black hole na nakadungaw sa akin sa tuwing pumapasok ako sa banyo sa ikalawang palapag ng bahay. Kung sa manunulat na si Ernest Hemmingway, ito ang isdang hindi rin niya mahuli-huli. Ito ang kanyang obsesyon, ang parating sumusunggab sa kanya pagpalaot […]

May waiver at quitclaim kasi

Mahirap mawala sa ating alaala ang hirap na ating dinanas dulot ng bagyong dumaan. Ang pagkawala ng ating mga tahanan, salapi, at iba pang ari-arian  ay mananatili sa ating mga isipan  sa loob ng mahabang panahon. Ngunit ang kawalan na ating nadarama bunga ng unos at pagbaha ay siya rin halos ang nadarama ng mga  […]

Bagyo, peryodismo at gobyerno

DAEJEON, Timog Korea – Sinusulat ko ito sa panahong muling nakakaranas ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas bunga ng paparating na bagyong Pepeng (Param). Batay sa mga nakalap kong balita mula sa midya sa Pilipinas, malinaw na ang pag-alis ng bagyong Ondoy (Ketsana) ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos sa trahedyang kinakaharap ngayon […]