Pluma at Papel

Kay Kristel***

(naglagablab ang utak ko nag-alipato ang mga himaymay sa pagragasa ng kumukulong dugo mula sa naghihimagsik na puso…) isa kang bagong bumubukadkad na rosas wala sa panahong pinigtal sa tangkay ng buhay sa daluhong ng daluyong ng dalita ng di makatarungang lipunan gayong mabubulas naman mahalimuyak ang mga orkidyas na patuloy na dinidilig ng dugo’t […]

Nasaan Ang Alpha At Omega?

sa gubat ng sagradong mga pangarap matagal na kitang hinahanap sa pagitan ng dilim at liwanag. hinahanap kita kung dapithapong naghihilamos ng dugo mukha ng naghihingalong araw hinahanap kita kung madaling-araw buwan ay namumutla-nakatulala nasaan ang alpha at omega ng ating pakikibaka? naglumot na ang mga dekada sa pader ng alaala sa daluyong ng habagat […]

Musika Mo’y Minamahal Ko

(Tula– malayang salin mula sa orihinal kong Your Music I Love) musika mo’y minamahal ko mga tunog ng tambol sa maitim, nananangis na gabi umaatungal na ritmo ng mga putok ng baril sa labirinto ng kaisipan ko hitik sa kadensang nanginginig at waring humahagupit na lintik sa nagiginaw kong gulugod maglulundo sa dagundong ng sumasambulat […]

Tiyo Sam

(Tula — tugon sa panawagan ni Pia Montalban para sa taludturan ng LRP) naglumot na ang mga dekada, tiyo sam pero hayok ka pa rin sa laman ipinapatay sa congo si patrice lumumba ibinilanggo si nelson mandela para masipsip mo suso ng aprika! kinubabawan mo ang puklo ng cuba kaya nag-alipato mahabang tabako supa-supa ni […]

Dumilat Ka, Indio!

sa mahabang panahong pagkakahimbing / dumilat ka / ikaw indio / ng aking la tierra pobreza / humulagpos ka sa pagkakadena / sa bilangguan / ng dalita’t dusa / tupukin ang bartolina

Natutulog Pa Rin Ang Negrong Nazareno

ilang kahang sigarilyo, lolo hugo sa maghapo’y kailangang ibenta mo para maibili ng pansit-gisado sa restawran ni be ho sa kanto ng elizondo naghihintay mong bunsong apo sa nakaluhod na barungbarong sa gilid ng mabahong estero? ostiya na lamang kaya ang iuwi mo sagana sa altar ni padre san pedro sabawan ang kanin ng agua […]

May Tula

oo, mga makata ng inaaliping lahi may tula nga sa gumagapang na langgam sa nalaglag na mga butil ng asukal o sa kumikiwal na uod sa nabubulok na laman o sa dumarapong langaw sa ninananang kamay may tula rin sa nagdurugong puso o sa himutok at tagulaylay ng pangungulilang sinlamig ng yelo ng mga nilikhang […]

Hijo y Hija de Puta

hijo y hija de puta, caramba! di pa tapos ang panahon ng mga padre salvi, damaso at camorra sa harap ng europeong mga santo at santa humahagulhol ang mga pia alba, juli at maria clara pahintulutang uminom ng pildoras ang mga hija tulad ng mga madre noong dekada sisenta sa giyera-patani sa dating belgian congo […]

Gunitain

gunitain / silang binaril sa bunganga / silang pinutulan ng dila / dahil isiniwalat / mga lihim at hiwaga / sa palasyo ng mga pinagpala