Pluma at Papel

Luha Ng Dalamhati Ng Lahi

sa ilang dekada nating paglalakbay sa gubat ng dilim at sagimsim mga anino tayong walang mukha ni pangalan sa aklat ng kasaysayan mga dugo tayong idinilig sa damuhang naninilaw mga kalansay tayong iniukit sa pader ng kaapihan mga nota’t lirika tayo ng musikang nanunumbat-lumalaban sa karimlan ng ating bayan! ngunit sa bawat pagpatak ng luha […]

Di Ako Manunulat

di ako manunulat / gaya ng dinadakila sa mga aklat / o sinusuob ng papuri’t pabango / sa maluningning na entablado

Maita (Ka Dolor) Gomez

nang sumilakbo sa iyong ugat / dugo ng mga sawimpalad / at dumagundong sa iyong puso / hagulhol ng mga dukha / tinalikuran mo, maita, / tanghalan ng balatkayo

Madaling-Araw Sa Puso Ng La Tierra Pobreza

Pasintabi sa ilang linya sa tulang tungkol sa Aprika ni Patrice Emery Lumumba, unang Presidente ng Demokratikong Republika ng Congo na pinatay ng mga kalaban niya sa pulitika sa udyok diumano ng Central Intelligence Agency o CIA ng Amerika