Pluma at Papel

Bakit Kami’y Inyong Pinapatay?

kami ang nagtatanim ng palay naghahawan ng mga damo sa tubuhan at nagpapabulas sa mga gulay nag-aalaga sa manggahan at pinyahan upang inyong mga labi’y masiyahan at humalakhak ang inyong tiyan. kami ang maghapong gumagawa nagbubungkal ng inyong lupa upang buhay ninyo’y sumagana at lumagi kayong pinagpala. bakit kami’y inyong pinapatay? kami ang alipin sa […]

Di Sila Nilamon Ng Lupa

di sila nilamon ng lupa / silang namayapa sa pakikibaka / para sa laya’t ligaya / ng bayang pinakasisinta / nasa pagaspas sila ng amihan / nasa langitngit ng kawayan

Anino Ng Bayan Ko’y Nilamon Ng Dilim

isang gabing walang kumikindat ni isang ulilang bituin sa papawirin ng mga sagimsim at piniringan-binulag ng itim na ulap ng mga panimdim malamlam na mata ng tulalang buwan anino ng bayan ko’y nilamon ng dilim. paano matutupad sagradong mithiin mapalayang lubos sa mga hilahil anino ng bayan kong nilamon ng dilim? nais kong itanong sa […]

Tuwing Umuulan

tuwing umuulan naaalaala ko luha ng mga sawimpalad luha ng mga supling ng dalita luha ng mga inalipin ng inhustisya luha ng mga ibinilanggo ng pagsasamantala tumutulo ang mga luhang iyon sa mabahong estero inaanod ng baha ng kawalang-pag-asa kasama ng nagibang mga dampa luha iyon ng dalamhati ng lahi sumisiksik sa mga kanal at […]

Sa Pagitan Ng Dilim At Liwanag

kahit malimit tayong nagugutom at kinakayod tumigas na tutong sa puwit ng kalderong ginahasa ng panahon tuloy pa rin madamdamin nating paglalakbay sa pagitan ng dilim at liwanag habang nagsasayaw sa telon ng balintataw nagliliyab na mga gunitang hitik sa mithiing dakila sinusuhayan ng mga ugat niyon pinatatatag ng puno niyong sintigas ng kamagong mga […]

Tapos Na Ang Pista’t Karnabal

natapos na ilang araw na pista sa tierra pobreza pinagpahinga na sa simbahan mga santo at santa nalustay na multi-bilyong piso ng mga juan at juana kailan uli susunod na pista? giniba na tanghalan ng kahangalan ng ilusyon at kasinungalingan nagsara na beto-beto sa peryahan itinupi na telong asul ng karnabal hangal na mga payaso’y […]

Musika Mo’y Minamahal Ko

(Tula — malayang salin ng orihinal kong Your Music I Love) musika mo’y minamahal ko mga tunog ng tambol sa maitim, nananangis na gabi umaatungal na ritmo ng mga putok ng baril sa labirinto ng kaisipan ko hitik sa sumisikdong kadensang humahagupit na lintik sa gulugod ko naglulundo sa dagundong ng sumabog na mga bombang […]

Mayo’y Di Buwan Ng Mga Bulaklak

(muling iniaalay sa uring manggagawa) di buwan ng mga bulaklak ang mayo o prusisyon ng malanding reyna elena di rin ito panahon ng maringyang pista para sa kung sinu-sinong santo’t santa buwan ito ng pagtitigis ng dugo ng mga crisanto evangelista ng partido obrerong marxista paghihimagsik ito ng mga crispin beltran ng maalab na kilusang […]

Mga Luha Mo’y Pandayin

mga luha mo’y pandayin la tierra pobreza sa hulmahan ng adhikang dakila gawing mga punglo ng paglaya bawat butil na nalaglag sa damuhang pinanilaw ng pang-aalipin ng mga panginoon ng dusa’t hilahil. oo, la tierra pobreza sa higanteng mga templo ng mga altar at rebulto ng mga dasal at himno ng mga ritwal at rosaryo […]

Dalawang Tula Sa Semana Santa

1. Di Na Kami Mananalangin Sa Gethsemane di na kami lalakad nang paluhod sa paanan ng bundok ng mga olibo di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane sa silangang jerusalem sa may sapa ng kedron pauit-ulit na kaming nilatigo ng mga senturyon ng estado nakatihayang dinuran-tinadyakan pinalunok ng ostiya sa maruming inodoro pinalagok ng […]