Bahay-Kubo Ko’y Giniba
bahay-kubo ko’y giniba / nang nananangis ang hangin / sa mga dahon ng punong mangga / at nababagabag titig ng araw / sa tinuklap na pawid-bumbunan / unti-unting ginilit-nilagari / buto ng natuyong lalamunan
bahay-kubo ko’y giniba / nang nananangis ang hangin / sa mga dahon ng punong mangga / at nababagabag titig ng araw / sa tinuklap na pawid-bumbunan / unti-unting ginilit-nilagari / buto ng natuyong lalamunan
enero ko’y makulimlim / puso’y inaambon ng sagimsim / ayaw manlisik ang mga bituin / sa gabi ng dahas at lagim
ihahasa namin ang itak / kapag hangin hatid ay sagimsim / kapag malamlam ang mga bituin / at sikat ng araw ay laging kulimlim
la tierra pobreza / namaalam, lumisan kamakailan / supling mong inialay ang buhay / sa ngalan ng mataos na pagmamahal / walang hanggan siyang maglalakbay
ayoko nang marinig / ritmo ng melodiya ng mga salita / sa parirala’t mahabang talata
di ko maiiwasang alayan ka / ng isang kutsaritang luha / nang yakapin ka / ng amarilyo’t mahamog na damo / koro lamang ng mga kuliglig / musikang naghatid / sa himlayang dibdib / ng katawang-lupang / nagtigis ng dugo sa pakikibaka / upang maisulong adhika ng masa.
di kayo desaparecidos di kayo nawawala kayong nilamon ng lupa kayong mga katawa’y nilapa kayong kalamna’y ipinataba sa damong ligaw at makahiya di kayo nawawala
dinadalaw ka ngayon, maria ng mga aninong walang mukha ng mga nilikhang walang letra